18

1.2K 36 0
                                    

"Wait prenny!!" Habol sakin ni kloe ang bagal nya, baka hindi namin maabutan si luhan.

Nang makarating na kami ay saktong bumaba ang nasa kotse. Bigla akong kinabahan..

Omg! Ito na.. ito na yung nababasa ko sa wattpad yung pag tibok-tibok ng puso .. kapag daw ganito inlove kana.

"Girl, sya na ba yan?" Si kloe magkakapit kamay kami ngayon inaabangan na lumabas na yung lalaki sa kotse nya..

At..

Sa..

Wakas..

Nakababa narin sya ..

At humarap sa amin ..

"Sya?" Sabay naming tanong ni kloe sa isa't-isa.

Matandang lalaki siguro nasa 40+ na 'to. Medyo maram nang uban, maliit, mataba, hmp ayoko nang idescribe. Bigla akong nasuka! Akala ko pa naman gwapo yung luhan Madrigal pero mukha palang kutong lupa-- ay bad ka self.

Hinila ko na si kloe palayo dahil nakakunot noong nakatingin sa amin yung luhan Madrigal, yuck!

"Kinikilabutan ako prenny!! Ayoko na! Akala ko pa naman gwapo sya, bata, matangkad, maputi, matangos ang ilong-- tapos? Ganon?" Nagsisisi kong sabi kay kloe nang makalabas na kami ng University. Hehehe nagtataka kayo kung paano kami nakalabas? May secret gate kami ni kloe palabas ng University.

"Same girl. Huhuhu like iww?!" Sya.

Naglakad-lakad muna kami sa paligid ni kloe. Ang nag effort pa kong plantsahin ng bongga tong uniform ko sa isang matandang luhan Madrigal, yuck?!

"Careful, girl." Paalala ni kloe dadaan kase kami ngayon sa maputik na kalsada.

"Thanks prenny, tara kain muna tayo dun sa--" Hila ko kay kloe patakbo sa karinderya--nang biglang may dumaan na kotse

"AAAHHHHHHH! OH MY GOSH!" Tili ko nang tignan ko ang sarili ko na ngayon ay puno na ng putik ang uniform ko.

"Hala, girl puro kana putik ngayon." Si kloe, unti lang yung putik sa uniform nya dahil nasa likod ko sya.

"Hey, miss? Ayos ka lang ba?" Parang nang-aasar na tanong nung gwapong lalaki na nasa loob ng kotse. Ang cute nya, omg!!

Wait-- dapat pala magalit ako.

Lumapit ako sa kanya. " Ayos? Mukha ba akong ayos? Nakikita mo ba 'tong uniform ko?! Punong-puno na ng putik?!" Galit na singhal ko sa kanya.

"I'm sorry, bigla-bigla ka kaseng tumatawid--"

"So, ako pa ngayon ang may kasalanan ganon?! Ako na nga 'tong naagrabyado mo? Wow ha." Ako at nag cross arm pa.

"I'm really sorry. Papalitan ko na lang--"

"Papalitan? Alam mo ba kung magkano 'tong uniform ko? Galing pa 'tong States. Hindi mo ba alam na ako ang anak ng may-ari ng Milestone University!!" Nakataas kilay kong sabi hihihi. Kunware lang guys, para matakot sya.

Napansin ko namang napatawa sya ng unti. Luh?

"You? Anak ka ng may-ari--"

Pinutol ko ang sasabihin nya. " Oo! Kaya mali ka ng kinakabangga mo! Ano mang oras kaya kitang patalsikin." Sabi ko pero lalo syang natawa.

"NYAHAHHAHAHAHAHA" Tawa nya, nakakatawa ba yung sinabi ko? Huhuhu.

"Girl, let's go na. Nag bell na. ayokong mag ditch sa second subject." Si kloe at hinila na ko.

"Wait, naguusap pa kami--"

"Ayokong mapagalitan ni Mr. Gomez!!" Taranta nyang sabi at tuluyan na kaming nakalayo dun sa lalaki.

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now