49

843 26 0
                                    

Nakita ko naman kumalma sya. "I'm sorry." Malungkot na sabi nya sakin. Hmp.

Bumaling uli kami dun sa apat na ngayon ay nakatitig samin, pati si astrid.

"U-Uh ano kase boss nagkabugbugan lang kami ni yohan." Sagot ni nygel.

"Nagkabugbugan?" Gulat kong tanong.

"Uh oo sorry yuna ha. Kase naman yang kuya mo e! Sya kaya nanguna. Tsk!" Sagot nya.

"Pero boss hindi naman namin sya tinuluyan katulad ng sinabi mo sigurado kaming buhay pa sya nang iwan namin." Si nicholas.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o hindi e. Kamusta na kaya si kuya. Bakit ba kase si kuya pa ang naging tauhan ni trevor? Dapat ko nang makausap si kuya. Dapat nya nang malaman na si trevor ang pumatay kay kuya ysmael.

Bumaling ako kay austin. "Kailangan ko nang umuwi. Kailangan ko nang makausap si kuya."

"Gusto mo bang samahan kita?" Si austin.

"Hindi na, mas mabuting ako muna ang kumausap kay kuya." Ako at tumayo na.

"Ipapahatid nalang kita" sya.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Nakangiting sabi ni astrid.

Sinaluduhan lang ako nung apat at lumabas na kaming tatlo.

"Ihahatid ko kayo sa labas" Si austin na nakahawak parin sa kamay ko.

"Suotin mo 'to" Si astrid at ibinigay sa akin ang suot nyang hoddie. Sinuot ko naman agad 'yon.

Nang makalabas kami sa pinaka gate ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng hawakan ako ni astrid. Nandito na kami sa madilim na parte kung saan naka park ang kotse nya.

"Let's go" Si astrid.

"I love you." Sabi ni austin sakin at hinalikan pa ako sa noo.

"I love you too--"

*Gunshot

"YUNA!"

"BULLSHIT! ASTRID!" Sigaw ni austin kasabay nun ang paglabas nya ng baril at Sunod-sunod na pagpapaputok.

"A-Astrid.." Para akong naistatwa nang makita kong napahiga si astrid sa lupa at may umaagos na dugo mula sa dibdib nya.

"Y-Yuna.." nanginginig ko syang hinawakan.. "Astrid dadalhin ka namin sa hospital kumapit ka lang okay?"

"Mangako ka sakin yuna.. hindi mo iiwan si austin.. mamahalin mo sya.. katulad ng pagmamahal ko sa kanya.. mangako ka sakin yuna.." nanghihina nyang sabi na nagpabagsak ng mga luha ko.

"P-pangako astrid. Pangako!" Pagkasabi ko nun ay tuluyan na syang pumikit.

"Astrid?! Astird?!" Yugyog ko sa kanya.














Luhan's Point of View.

Nang makarinig kami ng putok ng baril ay kaagad kaming lumabas at nagtungo sa kinaroroonan nila boss.

Agad kaming nagkasa ng baril. Si boss ngayon ay Sunod-sunod ang pagpapaputok ng baril sa madilim na parte, sinong kalaban?

"Astrid?! Astrid?!" Parang umiiyak na sabi ni yuna.

"Shit!" Mura ni nicholas nang makita naming nakahiga si astrid sa lupa at may tama.

"Yuna, anong nangyari?" Si nygel.

"Astrid?! SINONG GUMAWA NITO?!" Sigaw ni nicholas habang nakahawak sa kamay ni astrid.

Hinawakan ko ang pulsuhan nya..

Wala na sya..

Damn!

"H-Hindi ko alam" umiiyak na sagot ni yuna.

"Let's take her to the hospital!" Rinig naming sabi ni boss.

"Wala na sya boss" malungkot na sabi ni paris.

"BULLSHIT!" Malakas na mura ni boss austin at lumapit kay astrid na wala ng buhay. "Ipinapangako kong ako mismo ang papatay s gumawa nito sayo!" Pagkasabi nun ni boss ay hinawakan nya na kamay ni yuna at sumakay sila ng kotse paalis.

Para naman akong nanlumo nang makita kong yakap-yakap na ni nicholas si astrid, hindi ko namalayan na may luha narin palang bumabagsak sakin.

"Tangina naman astrid naman! Bakit naman ganito!" Umiiyak na sabi ni nicholas.

Alam kong sya ang pinaka nasasaktan dito dahil mahal nya si astrid nang higit pa sa pagkakaibigan.. Alam naming lahat yun pero hindi nya magawang umamin dahil nga sa sitwasyon.














Yuna's Point of View.

Nang makasakay kami ng kotse ni austin ay hindi parin ako makapaniwalang wala na si astrid..

Totoo bang nangyayari ang lahat ng ito?

Parang kanina lang binigyan ako ng hoddie ni astrid tapos ngayon wala na sya?

Parang hindi ko na kaya ang mga nangyayari.

"How are you? Are you hurt?" Tanong ni austin habang nagd-drive.

"Bakit iniwan natin si astrid dun? Sinong gumawa nun sa kanya?! Nakita mo ba?!" Nanginginig ako ngayon sa galit. Hindi ko maintindihan parang gusto kong magwala.

"Mabilis syang nakatakas. Kapag nagtagal pa tayo dun baka ikaw pa ang isunod nila!" Sagot nya.

"Nakilala mo ba kung sino yun?"

"Hindi. Pero sigurado akong isa yun sa mga tauhan ni trevor!" Bakas sa tono nya ang galit.

Nakaramdam ako ng kaba nang may maisip ako.

Si kuya yohan..

O

Si kuya autumn..

Posible kayang isa sa kanila?

"Ihatid mo na ko samin" ako.

"No. Dadalhin kita sa--"

"Austin please! Kailangang magkaharap kami ni kuya Kailangan kong malaman kung sya ba ang gumawa nito kay astrid!"

"At sa tingin mo magsasabi sya sayo ng totoo? Hindi nya pa alam--"

"Basta ihatid mo nalang ako dun, please?" Pagmamatigas ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot pa.

Nang makita ko na ang pangalan ng Street namin ay agad na akong nagpababa kay austin hindi ko na sya kinausap at nagmamadali nang umuwi.

Yohan's Point of View.

[Patay na si astrid.] Napatigil ako sa paglalagay ng bandaid sa mukha ko nang sabihin yun ni autumn.

"Ano?! Bakit si astrid ang namatay? Hindi ba dapat ang babae ni austin?"

[Tanga-tanga si kevin e! Tch. Nakakatutok daw ang baril dun sa babae pero nakita sya ni astrid kaya nung saktong pagbaril nya sinalo ni astrid yung bala. Tch! Patay tayo nito kay boss trevor.] Tangina bobo!

"Tsk! Sabi ko kase ako na ang papatay dun sa babae e--"

"Kill me now!"

Wala sa sariling ibinaba ko ang cellphone ko nang biglang magsalita si .. yuna. Tsk! Nakapasok sya sa kwarto ko nang hindi ko namamalayan?

"Hindi ba sa sinabi ko sayong huwag kayong papasok sa kwarto ko--"

"I said kill me now!" Sigaw nya na ipinagtaka ko. Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to?

"Hoy! Ano bang sinasabi mo dyan--"

"AKO ANG BABAE NI AUSTIN DE VILLA KUYA. NGAYON, PATAYIN MO NA AKO!"














---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now