13

1.3K 41 0
                                    

Sinara ko muna ang gate bago tuluyang pumasok.

Sumilip naman ako sa pintuan nila at nakita ko si Yohan na nakaupo sa sala habang nag ce-cellphone.

Kinatok ko ng dalawang beses ang pintuan kaya napatingin naman siya sa gawi ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ano yang suot mo?" Taas kilay niyang tanong, napatingin naman ako sa suot kong off shoulder na dress at above knee ang taas.

"Huh? Dress?" Kunot noo kong saad.

"Tsk." Asik niya at tumayo at may kung anong kinuha.

Pag ka tapos niyang kunin ang isang jacket pala ay lumapit siya sa gawi ko at nilahad sakin ang jacket.

"Anong gagawin ko diyan?" Kunot noong tanong ko.

"Wear it." Walang emosyon sa sagot niya.

"Yuck! Hindi bagay noh! Naka dress ako tapos mag jajacket? Ganda ganda ng porma ko sisirain mo?!" Saad ko dito.

Napangisi naman siya.

"Tignan mo nga yang suot mo? Pag binastos ka ng mga lalaki diyan? Sinong po-protekta sayo---" Gosh! Feeling ko nag bu-blush ako ngayon, ackkk.

"Tsk." Asik niya at siya na mismo ang nag lagay sakin ng jacket.

"Wag mong tatanggalin yan a." Seryosong saad niya.

"Opo master." Sarkastikong saad ko.

"Tsk, nandon si Yuna sa kwarto niya katukin mo na lang." Saad niya at umalis na sa harap ko. Gaya ng sabi niya ay nag tungo na ako sa kwarto ni Yuna.

Katok ko sa pintuan ng kwarto ni Yuna.

"Yuna?" Tawag ko pa sakanya.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at niluwa non si Yuna malamang.

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago...

"HAHAHAHAHA." Tawa niya.

Hmp.

"Ano yang suot mo sis?" Natatawang saad niya huhu.

"Hoy maganda porma ko noh! Sinira lang ng kuya mo pinasuot sakin tong jacket, kesyo baka raw mabastos ako. Duh!" Saad ko. Natigilan naman siya sa pag tawa at napalitan ng mapanuksong tingin.

"Yieee, concern sakanya si kuya." Panunukso niya. Feeling ko tuloy nag bu-blush na naman ako.

"Gaga! Tara na nga, alis na tayo." Saad ko.










Yuna's Point of View.

Nandito na kami ni Paisley sa loob ng mall, inaasar ko parin siya about don sa kanina haha pero ang gaga imbis na mainis ay syempre kinikilig HAHAHAHAHA.

"Anong gusto mong kainin sis? Samantalahin mo na ang pag ka good mood ko." Saad niya kaya napatawa naman ako.

"Hmmm..." Nag iisip na saad ko. Nahagip naman ng mata ko ang milktea.

"Milktea tayo sis!" Saad ko kaya agad naman kaming nag tungo don.

"Ako na ang bibili" Prisinta niya kaya tumango ako at pumunta na siya sa counter at ako naman ay naghihintay lang dito sa likod niya.

"Yuna?!" Biglang tawag ng kung sino sakin familiar ang boses kaya napalingon naman ako.

Anong ginagawa nila dito?!

"Luhan? Nygel? Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko sakanila.

"Sis oh---sino sila sis?" Takang tanong ni Paisley at inabot sakin ang milktea kaya kinuha ko naman ito.

"NYAHAHAHAHAHA." Tawa ni Luhan. Amp.

"Inutusan kami ni boss Austin bumili ng bagong stock ng mga pagkain e." Saad ni Nygel kaya tumango naman ako.

"Ehem" Tikhim ni Paisley haha.

"Ah nga pala Paisley, si Luhan at Nygel. Amo rin nila si boss Austin" Pakilala ko sakanila kay Paisley.

"Luhan, Nygel. Si Paisley nga pala kaibigan ko" Pakilala ko naman kay Paisley.

"Omegesh sis, bet ko tong Nygel" Bulong sakin ni Paisley. Gags haha.

"Hi Paisley NYAHAHAHAHAHA." Si Luhan.

"Hi Luhan." Si Paisley.

"Hello, Nygel." Pa cute na saad ni Paisley. Hmp. Pinag papalapit niya na si kuya haha.

"Hello rin sayo Paisley nice to meet you." Nakangiting saad ni Nygel.

"Omegesh sis, ang gwapo lalo na nung ngumiti." Kinikilig na bulong niya ulit sakin.

"Ah sige, una na kami a." Si Nygel kaya napatango naman ako.

"Bye girls NYAHAHAHAHAHA." Si Luhan at umalis na sila.

"Gwapo rin sana yon kaso tawa ng tawa wala namang nakakatawa." Si Paisley haha.

"Wahhh pero yung Nygel talaga! Ang gwapo niya! Ito ba yung love at first sight?!" Kinikilig parin na saad ni Paisley.

Hmp.

"Hoy! Pinag papalapit mo na si kuya ha." Saad ko haha.

"Crush lang naman, tsaka hindi mo ko masisisi mag ka gusto sa iba bagal gumalaw ng kuya mo eh alangan naman ako manligaw." Saad niya. Amp haha.

"Nevermind, tara na nga libre mo pa ako." Saad ko at hinila siya.



Nagising ako ng tumunog ang alarm ko sa phone kaya kinapa ko naman ito sa gilid ng kama ko at pinatay.

Linggo na ngayon, at pupunta uli ako don sa mansion ni Austingot as slave.

Anyway, alas singko na kami ng hapon naka uwi ni Paisley. Ang dami naming pinuntahan at ang dami niyang ni libre sakin dahil good mood talaga siya lalo na nung nakita niya si Nygel hmp haha.

Tanong ng tanong sakin about kay Nygel eh malay ko ba don ka gabi ko lang naman nakilala yon.

Bumangon na ako at ginawa ang morning routine ko. 8 am na.

. . .

Matapos kong gawin ang morning routine ko at makaligo na ay inayos ko na ang mga dadalhin ko don sa mansion ni Austingot.

Alam na nila mama at papa na aalis ako pero ang akala nila ay sa part time job ang punta ko. Huhu sorry na, three weeks lang naman to.

Anyways, na sa trabaho sila Mama at papa 6 or 7 am kasi ang alis nila kahit linggo kasi may pasok sila. Si Yesi naman ayon umalis na naman, gala yung bata na yon eh. Si kuya naman tulog pa, tanghalian pa gising non.

Nang matapos kung maayos ang mga dadalhin ko at pati narin ang sarili ko ay lumabas na ako ng bahay at sinara ito.

Hayaan niyo na diyan si kuya malaki na yan.











---
Written by:
ABBIANNA

I Accidentally kissed that Mafia lord [completed]Where stories live. Discover now