That Girl In Section Monster

29.3K 952 204
                                    

THAT GIRL IN SECTION MONSTER

ScriptingYourDestiny

***

Hello Qpeydss,

      Ngayong nasimulan muna ang kwento. Walang atrasan na 'to, harurot!~ Hindi joke lang. Gusto ko lang sabihin na ang kwentong ito ay merong mga hindi magagandang mangyayari na makakasama sa mental health niyo. Makakaramdam ka ng inis sa mga karakter na nasa kwento. Kung alam niyo po sa sarili niyo na hindi kaya ng mental health niyo tayo na po ang iiwas. Hindi ko masasabing green flag or red flag ang male lead, dipende sa kung ano ang tingin niyo sa kaniya. Kalmahan lang, ito na magsisimula na tayo.

Merong mga karakter dito na ang mga line ay nakakabastos, nakakawalang galang at ng mga kung ano ano pa. Wala ako sa lugar na sabihin sa inyo na kailangan niyong intindihin sila pero dipende pa rin talaga ito sa inyo. Read at your own risk. 

Salamat dahil napunta ka rito, sana ay matapos mo ang kwentong 'to at mapasaya ka.

***
A

BOUT:

Si Thea isang pasaway na babae na mapupunta sa isang paaralan na puno ng mga kakaibang estudyante at tila mala halimaw ang mga pag-uugali.

Quias University ang paaralan na kung saan ang bawat Classroom ay may sampung lalaki at dalawang babae.

Section Monster ang nag-iisa at namumukod tanging section na kinakatakutan ng lahat sa Quias University. Isang malupit na section na kung saan ang bawat babae na mapupunta sa kanila ay pinapapili nila.

Bully? Sex Slave or Kill?

Wala kang panalo sa tatlong pagpipilian. Mamamatay ka kung hindi ka nila gusto. Kung challenging ka naman ay pang bubully na walang humpay at kung may ibubuga ka naman sa kagandahan ay pwede ka nilang maging Sex slave.

Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay mapunta ang ating bida sa seksyon ng mga itinuturing na halimaw? Makalabas pa kaya ng buhay roon si Thea? May bugbog o pasa kaya? O baka naman sa isang iglap mabago ang lahat kung may mapaibig siya na isa sa mga Monster Boys?

Halina at tuklasin ang misteryo sa Section Monster ng Quias University...

***

Napabangon ako ng bigla akong binuhasan ni Mama ng tubig. Grabe muntik na akong malunod.

"KANINA PA KITA GINIGISING TUMAYO KANA D'YAN AT MALIGO!" sigaw niya.

"Wow nahiya naman ako sa 'yo sana niligo mo nalang ako habang tulog," bulong ko.

"ANO?" Sigaw pa niya.

"WALA ANG SABI KO MALILIGO NA AKO!" Balik kong sigaw sa kan'ya at tumakbo papunta sa banyo.

Naligo na ako baka kasi maging dragon pa si Mama baka anong gawin sa 'kin at kainin ang pinakamaganda niyang anak.

Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis saka bumaba. Nakita ko naman do'n ang pinsan kong pandak at kuya kong panget.

"Kamusta tulog mo 'insan?" tanong niya sa 'kin.

"Aba, malay ko. Pa'no ko malalaman e tulog nga ako?" Mataray na sagot ko bago ako umupo para kumain.

Tinawanan naman siya ni Kuya ngunit hindi ko nalang sila pinansin at kumain na. Basta pagkain kaharap ko hindi ako madaldal, nilalantakan ko kaagad ito.

Nang matapos kaming kumain ay sumakay na kami sa kotse ni Kuya magkatabi kami ni 'insan sa likod habang katabi naman ni Kuya ang girlfriend niya.

Oo may girlfriend na siya sana all may jowa, ako kasi wala.

Nang marating na namin ang school ay binuksan ko na ang pinto at lumabas. Nakapamulsa akong naglakad ngunit napahinto ako ng hilahin ni 'insan ang bag ko.

"ANO BA!"

"Tingnan mo." Sabay turo kina Kuya at 'yong girlfriend niya na naglaplapan.

"Ano naman?" mataray na tanong ko.

"Wala ka n'yan," sabi niya sabay tawa. Iyan ay matatanggap ko, pero ang sunod na tinuro niya ang hindi ko talaga matanggap. "Pati yan." Sabay turo sa babaeng dumaan na may dibdib... Wait dibdib?

"Aba." Sasapakin ko sana siya ng bigla siyang tumakbo.

Napatingin naman ako sa dibdib ko at tumingin din sa dibdib ng babae. Bakit pinagpala sila? Ako hindi?

Nakapamulsa akong naglakad. Tumunog ang bell ng school hudyat na magsisimula na ang unang subject. Naupo ako ng marating ko na ang classroom namin.

Bigla akong napagod sa paglalakad. May pumasok na professor. Pero wala talaga ako sa mood mamansin basta pagod ako.

"Miss Garcia," tawag ni Prof sa 'kin. Nag-angat ako ng tingin pero hindi ko alam kong bored look ba or poker face akong nakatingin sa kaniya.

"Who are the founder of Microsoft?" tanong ni Sir.

"E ikaw sir alam mo ba ang sagot?" tanong ko pabalik kay Sir.

"Oo."

"Alam mo pala e. Ba't mo pa tinatanong?" Binalik ko ulit ang tingin sa bintana.

Rinig ko naman ang bingisngis ng kaibigan ko sa gilid. Hindi na ako kinulit ng isa pang guro ng matapos ang klase niya. May iba pang guro na pumasok. Nag discuss siya ngunit wala naman akong maintindihan dahil wala sa klase niya ang focus ko.

"Miss Garcia," tawag ni Prof sa 'kin.

"Bakit po?"

"Makinig ka rito."

"Bakit ba kasi kailangan pa naming mag aral?" tanong ko sa sarili na hindi ko alam na narinig pala nila.

"Edukasyon ang susi ng kinabukasan miss Garcia," sagot ni Sir.

"Edukasyon! Edukasyon!... EDUKASYON DAW ANG SUSI NG KINABUKASAN... SINO BA KASI NAG LOCK?" maktol ko. "Ikaw sir?" Sabay turo ko kay sir.

Ako nga pala si Thea Garcia ang pasaway na estudyante sa paaralang ABELLA UNIVERSITY.

***

This contain stupid adult humor, and was created strickly for comedic purposes. No offense is intended toward any field or individuals featured in this story. This a work of fiction it should not be taken seriously.

Some scene/ideas were inspired in real life scenarios, actual events, memes, social media post, recent and timely issues/topic, K-dramas, Anime and other books read by the author.

All rights reserved.

The story is unedited, so expect typo, graphical error, grammatical errors, wrong spelling or whatsoever errors.

Thanks!

ScriptingYourDestiny is in your screen again.

Have a nice read. ^_^

Date Started: October 27, 2021

Finished: November --, 2021

. . .

©️2021_ScriptingYourDestiny

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now