Chapter 17: Black Box

8.6K 481 41
                                    

TGISM: CHAPTER 17

THEA GARCIA POV

"Sino naman 'yan?" tanong din ni Yuno.

"Secret," sabi nito sabay tawa.

Kita ko naman ang pagpipigil galit ni Nious, tumabi naman sa kaniya si Stephan at tinapik ang likod niya para pakalmahin siya.

"A girl," natahimik sila sa pagtawa dahil sa sinabi ni Nious. Tumahimik ang lahat na para bang dinaanan ng anghel ang classroom. Nasira ang katahimikan ng si Nious naman ang tumawa. "Oh? Natahimik ka?" Hindi ko man nakita ang mukha ng lalaki ay alam kong natakot ito. Sino naman ang girl na 'yan? "Gusto mo patayin ko siya sa harapan mo?" Pagbabanta ni Nious.

"Bakit kaya mo?" Pang aasar din ng lalaki na tinatawag nilang si Pusa.

Si Nious naman ngayon ang natahimik. Sino ba ang babae na iyan? At parang importante yan sa dalawang grupo?

"Tara na Nious," sabi ni Kiro.

"Baka hinahanap na tayo ni Thea," sabi pa ni Achei.

Tumingin naman si Nious sa gawi ko. Napatayo ako ng maayos at akmang magtatago. Pero biglang tumabingi ang ulo ko, tinatanong kung ano pang silbi ng pagtatago ko kung nakita na niya ako?

"Yeah baka nga hinahanap na niya tayo," nag playful smirk pa ang baliw.

Napatawa naman ako ng mahina kasi para siyang playboy sa ginagawa niya. Lumabas na sila sa classroom na iyon na siguro ay classroom ng Section Beast. Kaya siguro sarado dahil walang gumagamit. Naglakad palapit sa 'kin si Nious. Nagulat pa ang monster boys ng makita ako. Mukhang si Nious lang ang nakapansin sa 'kin.

Nang tuluyan na siyang nakalapit ay inakbayan niya ako. Ramdam ko ang labi niya sa sentido ko. Sabay kaming lahat na bumalik sa classroom.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Nious, kahit na ilang pilit ko pa sa kaniya na babalik ako sa upuan ko ay hindi niya ako hinayaan na makawala.

Nilalaro niya ang hibla ng buhok ko habang nakanguso na para bang nag-iisip. Napatigil ako ng mapansin na halos lahat sila ay nakatingin sa amin.

"Respeto naman sa mga single," bored na sabi ni Kiro.

Napatawa nalang ako habang umiiling. Napatingin ako kay Nious na ngayon ay nakanguso pa rin. Sobrang lalim ng iniisip niya, dahil siguro sa pagbabalik ng Section Beast. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya.

"Tapos ka nang mag isip?" malambing kong tanong sa kaniya.

Umiling naman siya saka tumawa, ngunit napatigil siya ng binatukan ko siya. Binitawan niya ang hibla ng buhok ko at kinamot ang batok.

"Masakit ha," pagpapaawa niya.

"Gulo gulo na ang buhok ko," reklamo ko sa kaniya.

"Hindi kaya," ngumiti siya sa 'kin. "Ang ganda mo," bulong niya sa 'kin. "May kamukha ka."

Kumot ang nuo ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin din pala sa 'min.

"Sino?" Mataray na tanong ko.

"'Yong babaeng mapapangasawa ko."

"Ayon!"

"Kyahhh!" Mahabang tili ni Kiro, Achei at Khalil. Nagsabunutan pa silang tatlo habang tumitili.

Napatakip kami sa tainga namin. Kung makatili ang tatlong 'to parang mga babae. Napailing na lang ako at hindi sila pinansin, pero sa kalubluoban ko ang reaksyon ng tatlo ay ang reaksyon ng mga organs ko sa katawan.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now