Chapter 5: Section Monster Mortal Enemy

11.5K 622 61
                                    

TGISM: CHAPTER 05

Nasa dorm ako ngayon nakihiram na ako kay Roxanne ng charger ng phone kaya ito ang cellphone ko naka charge, ako naman nagluluto.

Kung nakita ako ni Kuya at Mama sa ginagawa ko baka sabihin nilang nasaniban ako ng mabuting espirito.

Hindi kasi ako nagluluto hindi rin ako naglilinis ang lagi ko lang ginagawa ay matulog at kumain 'yon lang kaya tamad ako.

Napaisip na naman ako kay Nious dahil curious na curious ako sa kan'ya.

"Woi ano ba yan." Bigla akong napatingin sa niluto ko ng masunog ito.

Kaya kinuha ko dali dali ang kaha at hindi ko alam na mainit pala. Shit!

"Ako na." Pagpresinta ni Gwen at nilinis ang ginawa kong kalat.

"'Syensa na."

"Okay lang, lutang ka? Ok ka lang ba?" tanong ni Mica at tiningnan ang buo kong mukha.

"Oo may iniisip lang." Umupo na ako sa sofa.

Lumingon naman sa 'kin si Roxanne saka bumalik ang tingin sa salamin.

"Sino ba ang hindi magkakaganiyan kung bantaan ka."

"Hindi naman ako natakot sa banta nya." gulat silang napatingin sa 'kin kaya inirapan ko sila OA lang ang peg?

"Weh?" Sabay na tanong nila.

Tango lang ang sinagot ko.

"Ba't lutang ka?" tanong ni Roxanne.

"Curious lang ako sa Nious na 'yon."

"Lahat naman tayo curious sa kan'ya." Umupo rin si Gwen sa tabi ko at binigyan ako ng juice.

"Pero walang may nakakaalam."

"Ibahin nyo ako guys," ngumiti ako sa kanila. "Ang talento ko nalalaman ko ang gusto kong malaman."

"Wow!"

"Sana oll!"

"Hihintayin namin yan." Pang aasar ni Roxanne.

Sabay silang napalingon sa phone ko ng mag ring ito. Napangisi naman ako saka tumayo.

"It's time Mr. Quias." Bulong ko at kinuha ang phone ko.

Kuya Calling...

"Hello Kuya." salubong ko.

"Shit! Thea alam mo bang ilang beses na ako tawag ng tawag sa 'yo? Akala ko patay kanang babae ka." Napalayo ko ang cellphone sa tainga ko ng sumigaw siya.

So dinasal niyang mamatay ako?

"Kumusta kana?" Tanong ni Kuya sa kabilang linya.

"Ito buhay padin," sigurado ako pag nasa harapan ko siya ngayon ay babatukan ako nito. "May gusto lang akong itanong Kuya." Umupo ako sa kama ko at nag indian sit roon.

Nakatingin rin sila sa 'kin nakataas ang kilay na para bang nagtatanong kung sino 'yan?

"Ano 'yon?"

"About Nious."

Pinanlakihan naman nila ako ng mata na para bang sinasabi nila na 'wag ko ng alamin. Ngunit hindi ko lang sila pinansin.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa kan'ya?"

"Anong pinakaayaw niya? At anong gusto niya?" tanong ko kay Kuya.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now