Chapter 20: Gia is Dead

8.3K 513 21
                                    

TGISM: CHAPTER 20

THEA GARCIA POV

Saktong pagkabukas ko ng pinto ay tumambay sa 'kin ang isang lantang gulay na nakahiga sa kama. Buhay pa ba 'tong kuya ko?

Agad akong lumapit sa kaniya. Nanlaki pa ang mata niya ng makita ako. Umupo siya at niyakap ako bigla na ikinagulat ko. Lumapit ako lalo sa kaniya at yumakap pabalik.


"Anong nangyari?" tanong ko sa kaniya.

"Kumusta ka na?" pag-iiba niya ng usapan.

"Ito maganda pa rin," sinusubukan ko magbiro. Tumawa naman siya sa biro ko. Napairap ako ng mapansing pilit lang ang tawa niya.

Hindi talaga siya okay, iyan ang masasabi ko. Nakakaduda. Unaz hindi ko ma contact si Ate Gia. Pangalawa, nakita kong parang patay itong Kuya ko.

Magtatanong na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Zeus. "Marcel, kumain ka muna." Napatigil siya ng makita ako. Biglang lumikot ang mata niya at tumikhim. "T-Thea? Naparito ka."


"Zeus," nakangiting tawag ko.

"Ang laki muna ha, dalagang dalaga na." Nilapag niya sa side table ang pagkaing dala niya

"Oo nga e ikaw naging macho at gwapito kana," pagbibiro ko. Natawa naman siya sa sinabi ko at lumapit sa 'kin. May magandang ngiti na nakaukit sa labi niya bago niya ginulo ang nanahimik kong buhok.

Napanguso naman ako at tinapik ang kamay niya kaya natawa siya. "Hindi ako aso."

"Ang cute mo lang kasi." Sabi niya sabay pisil sa pisnge.

"Masakit Zeus," reklamo ko.

Dati sa tuwing dumadalaw siya sa bahay para sunduin si Kuya dahil mag babasketball sila. Walang araw na hindi niya ginugulo ang nanahimik kong buhok. Isali ko na ang pisnge kong walang araw na hindi niya pinanggigilan.

Siya 'yong taong sobrang nakakapikon mang-asar. "Ang tambok kasi ng pisnge mo."

"Huy!" Dinuro ko siya. "Hindi matambok ang pisnge ko. Sadyang cute lang ako."

"Agree." Tumango siya. At tumahimik saglit.  "May gusto ka ba kay Nious?" Natigilan ako sa tanong ni Zeus.

Seriously? Dito talaga siya nagtanong sa harap ni Kuya? Pinandilatan ko siya ng mata dahil sa tanong niya. Mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin dahil tumahimik siya.

"Ba't 'di mo sagutin?" Sabay kaming napalingon kay Kuya. "May gusto ka ba sa kaniya?"

'Hindi lang gusto Kuya kun'di mahal na ang lalim na ng hinulugan ko at hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako.' Iyan ang gusto kong isagot sa kaniya pero natatakot ako.

"Okay ka lang ba Kuya?" pang iiba ko ng usapan.

"Nagtatanong ako ng maayos Thea kaya sagutin mo 'ko" galit niyang sabi. "Thea."

"Oo. I like him. M-may masama ba d'on?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Walang masama kung magkagusto ka Thea. Ang masama lang sa isang halimaw ka nagkagusto. Isa pa, hindi mo man lang sinunod ang sinabi ko sa 'yo na 'wag magkagusto ni isa sa kanila." Sermon niya sa 'kin.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now