Chapter 13: Savior

9.9K 646 82
                                    

TGISM: CHAPTER 13

THEA GARCIA POV

Napaupo nalang ako sa upuan ko at nilingon ang upuan ni Stephan ngunit wala siya rito. "Marami pang ginagawa 'yong taong kalandian mo." Nagulat ako ng sumulpot na naman si Nious sa harapan ko.

"Ano bang problema mo?" Hindi ko mapigilang mainis sa kaniya.

Ngunit umiwas lang siya nng tingin sa akin, kita ko pa ang pag-irap niya bago siya bumalik sa sariling upuan. Kumunut ang nuo ko ng mapansin ang pagsabunot niya sa sarili at ang pagmumura niya. Baliw na nga.

Walang gurong pumasok ngayon kaya masaya kami dahil walang gagawin. Lagi namang walang ginagawa, pumapasok lang ang ibang guro just to checked the attendance at iyon lang. May kaniya kaniyang ginagawa ang lahat kaya kinuha ko ang libro sa bag ko at binasa ang librong nakita ko sa library.

'Mahal ko siya since 1st year high school palang kami he's Warren he's a nerdy type pero ang gwapo niya. Lagi siyang may suot na eye glassess pero hindi hadlang iyon para takpan ang kagwapuhan niya.

Lagi ko siyang sinusundan sa library, cafeteria pero' di talaga maiwasan na may pakialamero. 'Yong magkasama na kami ni Warren pero may umeepal. Lagi siyang sumusulpot, ewan ko nananadya 'ata ang Lucas na 'to.

I hate him so much, He like playing girls. He's a beast.'

Napatigil ako sa pagbabasa ng nawala na sa kamay ko ang kaninang hawak kong libro. Napansin ko nalang ito na hawak ni Nious. Tumayo ako at sinubukang kunin sa kaniya ang libro ngunit nagsimula na siyang tumakbo. Wala akong choice kun'di ang habulin siya.

Halos gulo gulo na ang mga gamit dito sa classroom dahil sa habulan naming dalawa. Lalo na nang nakisali ang mga isip batang mga kaklase ko.

"Give it back Nious!" Ilang beses pa akong sumigaw ngunit para siyang bingi na walang naririnig.

Tumigil siya sa pagtakbo at itinaas ang librong hawak. Kahit na tumigil na siya sa pagtakbo hindi pa rin ako nakampanti dahil sobrang tangkad niya. Luminga linga ako sa paligid para mag-isip kung anong gagawin ko.

Naghila ako ng upuan at tumayo roon. I smirked ng mas mataas na ako sa kaniya. Agad kong hinablot ang libro pero hindi niya ako hinayaan na makuha iyon. Agad siyang umatras, dahil sa pag-abot ko biglang gumewang ang upuan.

Nanlaki ang mata ko ng bigla akong nahulog sa upuan. Bago pa masalo ng sahig ay ramdam kong may humablot sa bewang ko at sabay kaming natumba sa sahig.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi ko sa labi niya habang nakadagan ako sa kaniya, ramdam ko pa ang mahigpit na paghawak niya sa bewang ko.

Agad akong tumayo dahil hindi na normal ang bilis ng tibok ng puso ko. Napansin ko ang libro sa gilid na mukhang tumilapon dahil sa sabay na pagkahulog naming dalawa. Agad ko itong kinuha at bumalik sa upuan ko. Binuklat ko ito at nagpanggap na nagbabasa.

Napapikit ako ng ramdam ko ang pag-iinit ng pisnge. Nanlaki ang mata ko ng may kumuha sa libro. Kumunut ang nuo ko nang makita si Nious si harapan.

"Baliktad." Natatawa niyang sabi at inayos ang libro bago binigay sa 'kin.

Itinakip ko ang libro sa mukha ko at napapikit sa hiya. Halatang sinasadya ni Nious na mangyari lahat ng 'to. Humanda ka talaga sa 'kin, Nious.

Ibinaba ko ang libro at napatulala. Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang pagdikit ng labi ni Stephan sa labi ko. Lalo na ang nangyari kanina, ang labi ni Nious sa labi ko. Kung ikukumpara ko, mas malambot ang labi ni Nious. Seryoso Thea? Kinumpara mo talaga? Ayaw ko na! K'unti na pang talaga mababaliw na ako.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now