Chapter 51: Missing

5.2K 280 4
                                    

TGISM: CHAPTER 51

"Nandito na ang Triplets," sabi ni Azrael.

Pumasok naman ang tatlong babae na hindi magkamukha. Para silang iba iba ang ama eh kasi hindi talaga sila magkamukha well meron naman pero slight lang.

Umupo naman si Venice sa may sofa. Si Venus naman ay Lumapit kay Xhavier saka may tinatanong. Si Eunice naman kinuha ang baril.

'Di man lang siya nabigatan. Sila ang triplets ng Section Beast yang si Venice ang sniper nila. Shooter naman nila si Eunice habang si Venus naman ay ang hacker.

"Diba Section Silver 'yang si Celine?" tanong ni Venice kaya napatingin kami sa kaniya sabay tango. "Kalaban siya, ba't pa tayo nag sasayang ng oras sa isang kalaban?" tanong niya habang naka dikwartong umupo.

"Hindi siya kalaban!" sigaw ni Xhavier.

"Lahat ng Section Silver tapat sa lider nila." Tumayo ito saka tinitingnan ang mga gamit ni Celine. "Walang nag tatraydor sa leader nila Xhavier. Dipende nalang kung may kailangan siya sa 'yo kaya siya lapit ng lapit."

Akmang lalapit si Xhavier kay Venice ng pigilan siya ni Kuya sabay iling. May point si Venice.

Balita ko rin at ang pag aaral ko sa Section Silver sila ang mga magagaling saka lahat ng member sa grupo nila ay tapat sa lider nila.

"Don't worry Xhavier hahanapin rin namin siya," sabi ni Yuno.

"Sorry pero labas na ang Section Beast dyan." Sabi ni Venice at taas kilay na tumingin sa amin.

"Malalaman rin natin kung traydor ba talaga si Celine," sabi ni Kiro.

"Pa'no?" sabay na tanong namin.

Ngumiti lang siya saka kumindat.

"Gagamitin ko ang kagwapuhan ko." Mahanging sabi niya kaya sabay kaming napangiwi.

"Don't tell me manggagamit ng babae?" tanong ni Nious.

"Exactly," nakangiting sabi niya. "May eh pa fall ako sa kanila at gagamitin ko."

"Oh," pang aasar ni Nious sa kaniya. "Sana pati ikaw 'di rin ma fall."

"Yuck! Ewww! Me? Fall? Hindi mangyayari yan," pag tatanggi niya.

"Tingnan natin," pinulupot ni Nious ang braso niya sa may bewang ko saka kami lumabas roon.

Ilang linggo na kaming nag iimbestiga pero hindi parin namin nakikita si Celine. Si Kiro naman ay patuloy sa ginagawa niya. Napaupo nalang ako sa sofa.

Lumapit naman si Nious sa 'kin at tumabi saka niya siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"May problema ba?" tanong ni Nious.

"Pakiramdam ko wala akong silbi." Nag angat naman siya ng tingin saka niya ako tinaasan ng kilay. "Hindi man lang ako makatulong," bumuntong hininga ako.

"No need," sabi niya, "mas mabuti nga at di ka nalang tumulong."

"Tayka! Tayka!" kinakabahang sabi ni Yuno kaya napatingin kami sa kaniya. "N-nakita niyo 'yung babaeng mayabang? Si Gwen?" kinakabahang tanong niya.

Umiling naman kami.

"Oh no!" bulong ko.

"Baka nasa dorm lang." Umiling si Yuno. "Sa garden?" Umiling rin siya. "Baka nag Cr?"

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now