Chapter 6: Section Monster's Other Side

11.2K 728 81
                                    

Nagbihis na ako nakaharap ako ngayon sa isang malaking salamin at tiningnan ang kabuuan ko parang tinamad na naman ako.

Tinapik ni Mica ang braso ko saka niya ako inakbayan naglakad na kami patungo sa classroom namin. Una parin sina Gwen at Roxanne at nasa kabilang floor parin si Mica. Ito ulit ako nakatayo sa harap ng pinto. May pasalubong ba sila sa 'kin?.

Pinihit ko nalang ang pinto pabukas at hinanap ng paningin ko Stephan nakahawak lang siya ng notebook habang suot parin ang eye glasses niya. Ang cool niya talaga.

Iiwas na sana ako ng tingin sa kan'ya ng tumingin siya sa 'kin kaya napalunok ako. Naalala ko tuloy ang usapan namin kahapon.

Hindi ko alam nagbabanta ba siya? O nagpapaalala?

Tamad akong umupo sa upuan ko at natulog. Nagising nalang ako sa lakas ng kalabog sa classroom namin. Pero napatingin ako sa kanila ng may masakit na bagay ang tumama sa ulo ko.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang guro sa unahan. So s'ya ang nagtapon sakin no'n?.

"Huy ikaw nagtapon no'n?" maangas kong tanong.

Basta masakit ang ulo ko, maling araw ang hinarap ng guro na 'to pag tamad ako tamad talaga ako.

"Oo, natutulog ka sa klase ko." galit na sabi niya.

Tiningnan ko naman ang mga kaklase ko napakunot nag nuo ko ng mapagtantong lahat ng kaklase ko natutulog maliban syempre kay Stephan.

"Baliw kaba? E natutulog naman lahat ha!" Sigaw ko.

"Siraulo." Napatingin ako kay Nious ng sabihin niya sa 'kin 'yon.

"Siraulo? Atleast may ulo." sabi ko sabay irap.

"Lahat sila nandito matatalino kahit hindi pa sila nakikinig," sabi ni Sir sa 'kin. "E ikaw nakita ko Card mo 75 average mo."

Rinig ko naman ang tawa nila kaya napanguso ako.

"Ano naman ngayon?" napatahimik sila.  "Proud ako sa grade ko 'no."

"Wow ikaw lang talaga ang estudyanteng proud na 75 ang average." Manghang sabi ng guro na toh kahit na alam kong napipikon na siya.

"Syempre," mayabang kong sabi. "Proud ako sa 75 kong Average dahil lahat ng Valedictorian 'di makukuha yan," Mayabang kong sabi.

Tumawa naman silang lahat, si Sir naman ayun nag walk out. Napahawak nalang ako sa ulo ko.

"ANONG TINATAWA TAWA NYO DYAN?" sigaw ko kaya napatigil sila. "ANG SAKIT NG ULO KO!!"

Nakasandal ako ngayon sa upuan ko habang nakatingin sa kisame. Tinatamad kasi talaga 'ko ngayong araw. Pagod ako kahit na wala naman akong ginagawa.

Ang mga kaklase ko ayon ang iba naglalaro ng chess at jack stone? Wait?... JACK STONE? Mga bakla ba sila.

Si Achie nagkekwento sa mga kaibigan niya napatingin ako sa kaibigan niyang kwenintuhan. Napatawa ako ng mahina ng mapagtantong naboboringan sila sa kwento ni Achei siya naman ayon tawa ng tawa, s'ya lang ang natatawa sa biro niya. Ang cute niya talaga.

Nakita ko naman yung bookworm si Astril? Yeah si Astril nga nakasandal siya sa may locker sa likuran. May locker kasi rito sa classroom.

Si Stephan wala paring pinagbago nag aaral parin si Nious naman halos mapatalon ako sa gulat ng mapagtantong nakatingin rin siya sa 'kin. Napaupo ako ng maayos at napalunok saka tumingin sa harap. Nakipagtinginan ako sa black board.

Ng pumasok na ang isang guro ay hindi parin siya pinapansin ng mga estudyante nakatayo na siya sa harapan pero wala parin.

"SECTION MONSTER!" Sigaw ni Prof.

Binalingan lang siya ng boring na tingin. Tamad silang tumayo at bumalik sa upuan nila.

Umupo sila pero hindi tuwid ang iba nakasandal at iba nakapatong ang paa sa isa pang upuan at isa naman ay tumungo sa upuan at nagpapanggap na tulog.

"BA'T BA ANG TAMAD N'YO SECTION MONSTER?" Galit na sigaw ni Prof halos lalabas na ang ugat niya sa leeg pero wala paring pumapansin sa kaniya.

"N'ong nagpaulan ng kasipagan ang diyos pasensya na Prof nakapayong ako n'on e." pamimilosopo ni Achei.

Kaya napahagikhik ako. Parang tanga 'to.

"Ako naman prof ayon natutulog sa bahay," sagot ni Yuno

"N'ong umulan naman ng katamaran Prof lahat kami no'n nasa labas naglalaro."

Hindi ko na talaga mapigilang mapatawa kaya napatingin sila sa 'kin. Nakagat 'ko naman ang labi ko.

"N'ong umulan naman ng katamaran Prof." Napalingon kami kay Nious. "Nakapayong ako."

"Ba't tamad ka parin?"

"Maling payong lang ang nakuha ko may butas e." Napatawa naman kami marunong rin palang magbiro ang mukong na 'to.

"ONLY GIRL IN SECTION MONSTER!"

Napatuwid ako ng upo nagpipigil tawang tumingin kay Prof.

"N'ong bumaha ng katamaran prof nakabangka ako." seryosong sabi ko.

"Oh Ba't tamad ka din?" Mataray na tanong niya.

"Tumaob lang," Sagot ko.

Kaya ang lakas na ng tawa nila. Ang iba hinahampas ang mesa at upuan ang iba naman nakahawak sa t'yan nila ang iba naman nakahiga habang magpagulong gulong.

Wala ng gurong pumasok hanggang sa mag bell kaya tumayo na ako at lumabas na roon pero bago 'yon ramdam kong may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.

Nakangiti siya sa 'kin omg ang cute ni Achei. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Sabay kana samin mag lunch," pang yaya niya.

May sumang ayon naman pero merong ding tumanggi lalo na si Nious galit na tumingin ito kay Achei pero hindi lang siya pinansin ng makulit na isip bata na ito.

Pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko at dahil nga lalaki at mas malakas nahila niya ako. Ang dating maingay na Cafeteria at tili ang sumalubong sa kanila ay bulong bulungan.

"Ba't kasama nila yan?"

"Ba't hindi ko atah napansin na binully nila ang gurl nayan?"

"Ang swerte niya."

"Baka sex slave siya."

Sa huling bulungan na narinig ko d'on tumayo ang balahibo ko, ako Sex slave? Ramdam ko namang may kamay na tumakip sa tainga ko kaya nilingon ito. Siya si... Sino nga ulit siya? Ah si Alex.

Tumango naman ako sa kaniya. Nagulat ako ng bigla nilang pinaalis ang mga estudyanteng kumakain. Pinagdikit nila ang mesa ng magkasya ito saming 11.

Umupo sila roon tumayo naman si Achei, Xhavier at Khalil para 'ata mag order?

Nasa gitna ako ni Astril at Stephan. Nakita ko naman sila Achei may dala silang pagkain nilagay nila ito sa mesa saka sila umupo.

---Yuno-Alex-Nious-Alejandro---
Khalil------LAMESA------Xhavier
--Achei-Astril-Ako-Stephan-Kiro--

Yan ang pwesto namin. Kaharap ko pa talaga ang halimaw na 'to. Kumain na kami. Natanaw ko si Roxanne, Mica at Gwen na parang 'di makapaniwala sa nakita.

Si Achei naman patuloy lang sa pagkukulit ng mga kaibigan niya kahit na hindi naman siya pinapansin. Kawawa si Achei.

"Kaya pala ulo unang lumalabas 'pag nanganganak," pagbasag ni Achei sa katahimikan.

Napatingin naman kami sa kaniya ngunit agad ring kumain pabalik.

"Kasi ulo din unang pinapasok."

Sabay naman kami nabulunan. Nag abutan kami lahat ng tubig kasi kung aasa kami kay Achei baka mamatay kami bago niya kami abutan ng tubig.

"ACHEI!" Sabay na sigaw naman ng hindi siya tumigil kakatawa.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now