Chapter 52: Self Defense

4.5K 281 7
                                    

TGISM: CHAPTER 52

"LEON!" Sigaw ko at pumalakpak ng dalawang beses.

Sabay naman silang napalingon sa pinto ng bumukas ito. Nakangiti si Leon. Habang sila laglag pangang tumingin kay Leon.

Lumapit si Leon sa 'kin at nakipag apir lumapit naman siya kay Nious at nag fist bomb. Tumingin siya sa mga kasamahan namin at ngumiti.

"Yow!" sigaw niya kaya nabalik sa ulirat ang lahat.

"Nious?"

"Dopple Ganger?"

"Twin?"

"The hell!" mura ni Darrel. "Nahanap muna ang kambal mo Nious?" tanong ni Darrel.

Napatingin naman ako kay Nious ngumiti lang siya at umakbay kay Leon saka tumango.

"Nahanap kuna," nakangiting sabi niya.

Kaya gulat akong tumingin sa kanila. Seriously?

"Umupo ka Leon," sabi ni Nious.

Kaya umupo na si Leon. At ngumiti.

"Anong sagot mo Leon?" tanong ni Nious.

"Bakit? Nanligaw kaba?"

Napatampal naman kami sa nuo namin. Hanggang ngayon parin Leon.

NAKAKAINIS KA!

"I mean anong plano mo?" tanong ni Nious.

"Awh 'yon ba? Wala akong plano eh," nakangiting sabi niya.

"Wala kang plano?" tanong ni Alex.

Napatingin naman kay Nious. Ngumiti lang siya saka si Andrew mukhang kilala na nila ang Psycho na ito. Kasi kahit na sinabi nitong wala siyang plano ay nabasa ni Nious at Andrew ang ibig nitong sabihin.

"Okay," tanging sagot lang ni Nious.

Saka may binigay sa folder isa isa pero ako lang yung wala kaya napatingin ako kay Nious. Hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Akin?" tanong ko kaya napatingin sila lahat sa 'kin.

Lumingon rin si Nious saka siya umiling sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Parte ako rito diba? Nasa'n 'yung akin?"

"Wag ka nalang makialam Sweetie matulog ka nalang."

"Anong wag makialam?" inis na sigaw ko.

"Honey calm down!" sabi ni Nious.

Ngunit inis lang ako tumayo roon at umalis. Rinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi ko sila pinansin.

Bakit hindi ko alam ang mga plano nila? Bakit sila sila lang? 'Di ba ako mapapagkatiwalaan?

. . .

NIOUS QUIAS POV

"Oo nga ba't di nalang natin siya isali rito? Siya naman ang may pakana ng lahat ng 'to diba?" sabi ni Roxanne.

Kaya sinamaan ko siya ng tingin at tumingin sa pinto na nilabasan ni Thea. Napabuntong hininga nalang ako.

"Isali nalang natin si Thea," sabi ni Xhavier.

"Siya ang target diba? 'Di ba kayo nakakaintindi? Mas mapapahamak siya, Delikado," sabi ni Cyrus.

"Delikado? Eh itong atin? Hindi delikado?" galit na tanong ni Yuno saka siya tumayo. "Unfair 'to! Nadadamay ang hindi damay rito," inis na sigaw niya.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now