Chapter 58: Tyler

4.2K 254 2
                                    

TGISM: CHAPTER 58

←FLASHBACK←

Ngunit bumalik rin ako roon ng dumating ang dalawang araw no'ng nalaman kong pati si Rogelyn ay kinuha. Lalo na si Angelica at ang iba pang babae.

Nag drive ako patungo sa Mansiyon na iyon. Wala rito si Trevior kaya free akong nakapasok. Nakakaduda lang at walang tao rito kahit man lang bantay wala.

Tinungo lahat ng kwarto binuksan ko at tiningnan kung may tao. Pero wala naman. Hanggang sa isang kwarto nalang ang natira.

Bubuksan ko sana kaya lang nakalock. Kumatok ako may narinig naman akong kalabog. Saka rinig ko ang yapak niya papalapit sa pinto. Kumatok rin siya.

"T-tulong," sabi ng taong nasa loob.

Familiar 'yung boses ha! Trevior?

"T-trevior?" tawag ko sa pangalan niya.

"N-nious ikaw bayan? Palabasin mo naman ako oh," pakiusap niya.

"Naka lock walang susi," sabi ko sa kaniya.

"H-hindi ko rin alam kung nasaan ang susi."

Agad kong hinanap ang susi ngunit wala akong makita. No choice ako.

"Umalis ka muna dyan sisipain ko lang ang pinto," sabi ko sa kaniya.

Umatras ako saka ako tumakbo at malakas na sinipa ang pinto. Bumukas naman ito. Tumambad sakin ang parang patay na Trevior puno ng sugat at pasa ang katawan niya. Madumi narin ang suot niyang damit.

"A-anong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"U-umalis muna tayo rito saka kuna sasabihin sa 'yo pakiusap."

Tumango naman ako saka kuna siya inalis sa lugar na iyon.

←END OF FLASHBACK←

TREVIOR CALEN SERVANDE POV

Magpasalamat ako at niligtas ako ni Nious kasi kun'ti nalang talaga at bibigay na ako. Demonyo siya hindi ko siya kapatid kun'di demonyo siya.

No'ng araw ng birthday ni Thea ay nag CR lang ako no'n pagkatapos ng sayaw ay bigla nalang niya akong hinila. Saka pinapasok sa kotse hindi ko alam kung anong ginawa niya. Pero nalaman ko nalang na pinatay niya si Cassie.

Gusto kong lumabas pero pinagbawalan niya ako. No'ng alam kuna talaga ang ginagawa niya. Tulad nalang ng dinala niya ako kung saan niya tinago ang mga babae ng Section Beast at Monster. Do'n kuna nasabi na demonyo nga talaga siya.

Pinagsabihan ko siya na itigil na niya pero hindi siya nakinig. No'ng sinubukan kong tumakas at magsumbong kay Nious. Kinulong niya ako.

Isang beses sa isang araw akong pakainin, demonyo siya. At pag nagtangka raw akong tumakas papatayin niya si Tyron—kilala ko siya demonyo siya at gagawin niya ang mga banta niya.

"Kailangan nating magplano," sabi ko sa kanila, "lahat ng babae maliban kay Thea ay nasa bodega," sabi ko sa kanila. "Nakaupo sila habang nakatali ang mga kamay... 'Yung mga malalakas tulad nung triplets ay tinali nila patayo. Nakatayo sila habang nakatali ang dalawang kamay."

"Si Thea?" tanong ni Nious.

"Hindi siya maayos," sabi ko sa kaniya. "Nasa isang kwarto siya malinis, malambot, mabango."

"Oh ba't di siya maayos?" tanong ni Marcel.

"Binubugbug niya si Thea pinag lalaruan maliban nalang sa bastusin walang araw na hindi niya sinasaktan si Thea... He's Demon."

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now