Chapter 30: Men In Black

7.4K 394 33
                                    

TGISM: CHAPTER 30


MICA POV

Mas'werte si Thea dahil napansin siya ni Nious. Hindi namin alam kung pa'no niya iyon nagawa pero siguro may parte kay Thea na mabilis makahakot ng kaibigan at mga lalaking magkakagusto sa kaniya. Para siyang magnet at mga metal naman ang mga g'wapo. Hindi niya ako basher, proud ako sa kaniya kasi sa tagal ko rito walang nakakabihag sa puso ng halimaw na iyon.

"Miss ko na tuloy ka bonding si Thea," bulong ko.

"'Wag niyo ngang hanapin ang wala rito," pagtataray ni Roxanne. Palaging nagtataray kahit na alam ko naman na na-miss niya rin si Thea.

"Kinukulit ka na naman ba ni Khalil?" tanong ni Gwen sa kaniya.

"Please lang ayaw kong marinig ang pangit na pangalang iyan," reklamo niya.

"Khalil," pang uulit ni Gwen. Napatawa ako ng napikon si Roxanne. Umuna siya ng lakad at iniwan kami. Napailing na lang ako ng tumawa si Gwen.

Dahil sa sobrang tawa niya hindi niya napansin na may nakabangga siya kaya ang ending nakaupo siya ngayon sa sahig.

"What the!" gulat na sigaw niya. Agad ko naman siyang nilapitan at tinulungan na tumayo.

"Fuck," pagmumura ng lalaki.

"Pota nga naman o, ikaw na hapon ka. Nananadya ka ba talaga?"

Napatampal nalang ako sa nuo ko. Nandito na naman ang kinakainisan ni Gwen. Si Yuno. "Excuse me?" walang emosyong tanong ni Yuno.

Galit naman na hinarap ni Gwen si Yuno. Kahit na maliit si Gwen at sobrang tangkad naman ng lalaking kaharap siya. "Pota ka hindi lang ito una or pangalawa kun'di pang lima na!" galit na sigaw niya. Buong lakas niyang sinugod si Yuno na panay ang takip sa katawan habang sinusuntok at pinapalo siya ni Gwen.

"What the..." Mura ko ng naitulak ako ni Gwen.

Pipikit na naman sana ako ng may maramdaman akong kamay sa bewang ko at pinatayo ako.

"Are you okay?" tanong niya.

"Y-yes."

Tumuwid ako ng tayo. Bullshit diba siya 'yong leader ng Section Beast?

. . .

ACHIE LUX POV

Nakaakbay ako ngayon kay Ivy habang siya naman panay ang tingin kay Thea. Mga gago talaga, sarili lang nila sinasaktan nila. Sumandal naman si Ivy sa 'kin kaya napangiti ako.

"Hanggang kailan nila lulukuhin ang sarili nila?" tanong ni Ivy.

"Hindi natin alam, hayaan muna sila. Ang isipin mo may gwapo kang boyfriend." Kinurot naman niya ang gilid ko kaya napatawa ako.

"Ang hangin mo rin 'no." Sabi niya sabay irap at tumuwid ng upo.

Wala na talaga silang ginawa sa sarili nila kun'di saktan ang mga puso nila. Naku! Bahala kayo d'yan siguro may matututunan din kayo bandang huli.

Siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya habang yakap ko pa rin siya. Akalain mo tatlong taon akong naghintay sa kaniya at ito siya ngayon at dumating. Para suklian ang pagmamahal na binigay ko sa kaniya.

Masaya ako kasi 'yung 1st love, 1st crush, 1st girlfriend ko, at 1st of everything ko ay siya na ang naging katuluyan ko.

Ngayong hawak ko na ang pinakamahalagang d'yamante ay hindi ko na papakawalan pa ito. Mag away man kami susuyuin ko, gagawin ko lahat 'wag lang kaming maghiwalay.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now