Chapter 36: Andrew

6.6K 384 27
                                    

TGISM: CHAPTER 36


Nakatingin lang ako kay Nious at inooserba ang mga galaw niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay nag angat siya ng tingin saka kumindat kaya kunot nuo ko siyang tiningnan.

Para bang may ibang ibig sabihin. Tangina bakit 'di ko siya mabasa ngayon? Para bang bumalik ang dating Nious pero mas grumabe ngayon kasi nga dati nababasa ko naman bawat galaw niya pero ngayon hindi na.

"Weird ka ngayon Nious," pagbasag ni Achie sa katahimikan.

"Wala nakilala ko lang ang totoong Tenten." Sabi niya sabay tingin sa 'kin napatingin rin si Stephan sa 'kin saka siya ngumiti.

"Diba siya si Tenten?" tanong ni Kiro sabay turo kay Tenten na ngayon ay nakatulog sa bisig ni Stephan.

Umiling lang siya saka patuloy sa ginagawa niya bago siya nag angat ulit ng tingin at tumingin kay Tenten.

"She's Tenchinices Rhyza Calonia-Lucente one of our Friends' Wife, right Stephan?" tanong niya kay Stephan.

Taka naman kaming tumingin kay Stephan nakangiti lang siya kay Nious at saka dahan dahang tumango. The hell!

"Sisiguraduhin ko na sa susunod na Tenten hindi na impostora kun'di totoo na." Nakangiting sabi niya at sumulyap sa 'kin at kumindat kaya nag iwas ako ng tingin.

May ibig ba siyang sabihin n'on?

"Saka May I remind all of you if may Suspect na kayo please wag masyadong halata," sabi niya at umirap sa kawalan. "All of you to halata."

Wait ang conyo para siyang bakla. Napatawa naman ako napatingin naman sila sa 'kin kaya tinakpan ko ang bibig ko na hindi ko alam na tumatawa na pala ng malakas.

"You can laugh," sabi niya.

Kaya tumawa nalang ako. Ang cute niyang mag conyo.

Nandito lang kami hanggang gumabi bored naman silang tumitingin sa laptop nila habang ako ito nakayakap lang sa isa kong stuff toy na penguin inaantok na talaga ako.

"Sleepy?" bulong ni Nious.

Malapit lang kasi siya sa 'kin tumango naman ako kaya tumayo siya at hinila ako patayo kaya naagaw namin ang atensyon nila.

"You can sleep," nakangiting sabi niya.

"Pwedeng kami rin?" tanong nila.

"No, siya lang."

Napatawa naman ako kaya ngumuso sila alam kong inaantok na sila it's already 1 am na! Tumingin naman ako kay Nious.

"No thanks dito nalang ako," bulong ko sa kaniya.

Kaya tumango nalang siya kaya umupo nalang kami ulit. Nilagay ko sa mesa ang stuff toy ko na penguin at nilagay ang baba ko roon saka ako pumikit.

Nagising ako sa ingay nila at gulo nag angat ako ng tingin. May vase na papunta sa 'kin kaya napapikit ako. Nagmulat ako ng mata ng hindi ko maramdaman ang vase na iyon. Hawak iyon ngayon ni Nious habang walang emosyong tumingin sa nagkakagulo.

Huminto naman sila ng makita ang itsura ni Nious saka sabay sabay na lumunok.

"Gusto niyong magpatayan?" malamig niyang tanong. "May baril, dagger, katana at kutsilyo ako d'yan meron ring latigo pumili kayo kasi ako ang papatay sa inyo." Kakaiba ang boses niya ngayon para siyang hindi ko kilala. "SIT DOWN!" Napatakip ako ng tainga ko ng sumigaw si Nious.

Umupo naman sila sa dati nilang upuan saka tahimik na yumuko. Pabagsak na nilagay ni Nious ang vase sa mesa saka umupo na parang walang nangyari.

Bipolar!

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now