Chapter 42: The traitor

5.9K 347 19
                                    

TGISM: CHAPTER 42


NIOUS QUIAS POV

"Pwede mo bang eh kwento sa 'kin ang ginawa mo?"

Napairap nalang ako sa kawalan at niyakap ang penguin na unan ko. Nahawa na ako kay Thea.

☚FLASHBACK☚

"Nious." Tawag ni Andrew sa 'kin ngunit hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglakad papunta sa punish room

"Gusto kitang patayin," sabi ko. "Pero mukhang kailangan pa kita."

Hinila ko ang braso niya at nilagay siya sa laboratory room. May tinawag narin akong doctor.

"Anong gagawin ko rito Mr. Quias?" tanong ng doctor

"Kupyahin mo ang mukhang yan," sabay bigay sa larawan ni Cassie. "Gusto ko kaparehong kapareho," madiing sabi ko.

Tumango naman siya kaya lumabas na ako roon.

Kinabukasan n'on ay pinuntahan ko ang laboratory ko. Lumapit sa 'kin ang doctor.

"Done Mr. Quias."

Tumango lang ako sa kaniya at tumingin sa babaeng ngayon ay puno ng benda ang mukha. Sayang at hindi ako ang papatay sa 'yo kun'di si Mr. Servande.

Ilang araw na ang lumipas...

Lumabas ako sa party ni Thea at tiningnang mabuti ang paligid kung may kahinahinala.

Nandito lang ako sa labas nagpapahangin. Ngunit napatayo ako ng makita si Cassie na tumatakbo. Agad ko itong sinundan ngunit napahinto ako. Kung susundan ko siya malalaman at makikita ako ng pinsan niya.

May shortcut naman rito. Agad akong dumaan sa shortcut at doon ko nakita si Cassie tinulungan ko siya kahit na 'di ko gawain 'yon.

Maswerte siya at mahalaga siya kay Leon kasi kung hindi pinabayaan kuna siyang mamatay.

Bumaba na ako at nakita kong natutulog sa sofa si Cassie. Kaya nilapitan ko ito at kinarga papunta sa Leon's room.

Kinumutan ko muna siya bago ako lumabas roon. Nag drive ako papunta sa hide out at tinungo kung nasaan ang Clone ni Cassie.

"Sumama ka sa 'kin," sabi ko.

Tumango naman siya at tumingin muna sa salamin. Saka siya sumakay sa kotse ko. Nag drive na ako papunta sa School.

"Ang ganda niya." Sabi ng nasa tabi ko habang hinahawakan ang mukha niya. "Siya ba ang babaeng gusto mo?"

"Hindi siya si Thea siya si Cassie."

Tumango naman siya ng makarating na kami ay pinark ko sa madilim na bahagi ang kotse ko. Lumabas na ako at pinalabas ko narin siya.

"Wag na wag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan," may pagbabantang sabi ko.

Tumango naman siya. Saka siya lumapit at pumasok sa paaralan ngunit bago siya makapasok ay agad siyang hinila ng pinsan ni Cassie.

Sumigaw naman siya ngunit napatahimik siya ng sinaksak siya ni Mr. Servande. Napapikit nalang ako. Hindi ko alam na gagawin ko 'to balang araw.

Na gagamit ako ng ibang tao para protektahan ang isa pang tao. Tumalikod nalang ako at hindi pinanuod ang pagpatay sa kaniya.

Naghintay akong matapos ang pagpatay sa kaniya. Pumasok na ako sa loob ng School at umupo sa may bench.

Itinali nila ang Impostor na Cassie sa isang upuan habang puno ng dugo ang dress nito saka nila tinali ng lubid ang upuan at binigti ito.

Napailing nalang ako. Saka sila nilapitan.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now