Chapter 19: Gia Sadness Is Hugging Me Again

8.6K 490 35
                                    

TGISM: CHAPTER 19


MARCEL GARCIA POV

Agad akong nagtungo sa kwarto ko at humiga na roon. Buhay pa ako pero pakiramdam ko para akong pinapatay.

"Marcel," tawag ni Zeus sa 'kin.

Umupo ako sa kama at sumandal sa head board nito at pinikit ang mata ko. D'on kuna naramdaman na may mainit na likido sa mata ko. UMIIYAK AKO.

"Gaganti kaba?" tanong ni Azrael

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa kaniya wala akong makita kasi blurred ito kumurap muna ako bago ko makita ang mga mukha nila.

Ramdam ko rin sa mga mukha nila ang lungkot. Syempre ako na ang naging pangalawang leader nila ngunit mukhang magiging mahina na ako.

"Gusto ko," sagot ko sa kaniya

"Anong gagawin natin?" tanong ni Brayden

"Gusto kong mag higante... Gusto ko siyang patayin," mahina kong sabi at wala ng tigil ang pagtulo ng luha ko. "Gusto kong maranasan niya ang sakit na naramdaman ko ngayon... Gusto kong patayin ang babaeng mahal niya."

Tumingin ako sa kanila. Malungkot parin sila. Pilit akong ngumiti.

"Mahal ko rin ang kapatid ko... Siya nalang ang natitirang babaeng mahal ko... Ayaw ko siyang patayin."

Pinahiran ko ang luha ko ngunit patuloy parin itong bumabagsak.

"GUSTO KO SIYANG SAKTAN AT PATAYIN ANG BABAENG MAHAL NIYA... NGUNIT ANONG MAGAGAWA KO? KAPATID KO ANG BABAENG GUSTO NIYA," sigaw ko, "YUNG PAKIRAMDAM NA GUSTO, GUSTO MONG MAGHIGANTE PERO WALA KANG CHOICE, WALA KANG MAGAGAWA." Sigaw ko ulit habang humihikbi.

Lumapit sila sa 'kin habang tinatapik nila ang balikat ko. Sumandal ulit ako sa head board ng kama saka tumingin sa kisame.

"TANGINA MO NIOUSS!!" Sigaw ko

Pinahiran kuna ang mga luha ko pero wala parin itong tigil sa pagtulo..

"Ang ganda pala umiyak ng walang tunog 'no? Ramdam mo yung sakit at bigat ng dibdib mo?" sabi ko sa kanila.

Umalis na si Ashton ngunit bago siya umalis kita ko rin ang pagtulo ng luha niya.

"Matulog kana bro." Tinapik rin ni Zeus ang braso ko saka sabay silang lumabas.

Ang sakit! Ang lungkot ng gabi ko!

Nagising ako ng sobrang hapdi ng mata ko.

"Marcel gising na," may tumapik si Braso ko winaksi ko lang ito.

"Absent ako ngayon pwede ba?" inis kong sigaw sa kaniya.

Wala na akong maramdamang nangungulit sa 'kin kaya tumayo ako at tumingin sa salamin. Ang pangit kuna.

Lumiit ang mata ko namamaga ito habang ang laki ng eye bags ko at pula ng mata ko. Bakit ganito? Akala ko pag naiyak kuna lahat mawawala na ang sakit? Bakit nandito parin? Ba't ramdam ko parin 'yung sakit?

Hindi lang kasi isang tao ang nawala e kun'di dalawa.

Nadamay pa ang anak namin na hindi pa nasilayan ang mundo. Bakit siya pa? Bakit si Gia pa? Bakit ang anak pa namin?

Ba't ang unfair maglaro ni Nious? Bakit kailangan niya pang damayin ang fiancee ko? Lalo na ang anak namin?

Tumulo na naman ang luha ko. Hindi kapa ba tapos tumulo ha?

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now