Chapter 11: Accidentally Kiss Him

10.6K 608 19
                                    

TGISM: CHAPTER 11

THEA GARCIA POV

"Babalik kami may kukunin lang kami sa library." Tumayo si Stephan at tumingin sa mga kaibigan niya.

Napatingin silang lahat sa 'min lalo na sa kamay naming magkahawak. Sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit hinigpitan niya ang paghawak nito.

Hinila niya ako patayo. Hawak kamay kaming pumunta sa library, saka lang niya binitawan ang kamay ko ng pumunta siya sa kaliwa at iniwan akong tulala.

Napahawak ako sa dibdib ko ng wala itong tigil sa pagtibok ng mabilis. Nang kumalma ako ay huminga ako ng malalim. Saka ako nagpatuloy sa paghahanap ng Biology Book.

Napahinto ako sa palibot sa library ng naagaw ng pansin ko ang isang libro na may pamagat na About Love and Hate. Na curious ako sa laman, title pa lang napapatanong na ako kung bakit iyon ang naging pamagat ng libro? Kinuha ko ito at sumandal sa may shelf. Binuklat ko ang unang pahina at nagbasa.

"This story is about the girl who fall in love in a beast," basa ko tayka 'beauty in the beast' ba 'to?

Anong klaseng story kaya 'to? Binuklat ko ng binuklat ang libro, saka ko lang napansin na tag-lish pala siya. Kaya hindi ko mapigilan ang magpatuloy sa susunod na pahina.

"Matagal ko nang gusto si Warren he's a nerd type," basa ko.

N-nerd... Nerd type? Parang si Stephan lang?

"Pero ang mas kinaduda ko bakit mas na inlove pa ako sa kaibigan ni Warren na si Lucas. He's playboy and I hate playboy. I hate him so much lagi nalang niya akong pinipikon. The hell is he doing?" basa ko ulit.

Sinirado ko na ang libro saka inipit sa dalawang palad ko. Kailangan ko nang hanapin ang Biology Book na hinahanap ni Stephan kasi gutom narin ako.

Ilang beses ko ng tiningnan ang mga libro na naroon pero kahit isa wala talaga akong nakita. Napaupo na lang ako sa sahig ng napagod ako kakahanap.

Nang matapos akong magpahinga ay tumayo na ako at nagsimula ulit hanapin ang libro. Tumingala ako at binasa ang mga libro sa nasa pinakataas ng shelves. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko na ang hinahanap ko.

Naghanap ako ng upuan para patungan dahil nasa itaas ang libro. Naghila ako ng upuan at pinuwesto, pumatong ako at sinubukan abutin ang libro.

Napatigil ako ng may isang kamay ang humawak sa libro. Dahan dahan akong tumingin sa taong 'yon. Hindi ko mapigilan ang mapanganga ng makita ko ng malapitan ang mukha ni Stephan. Kahit na may suot siyang eye glasses, hindi pa rin natatabunan nito ang napakag'wapo niyang itsura. Ang makapal niyang kilay, ang matangos na ilong at manipis na labi.

"Hey." Bigla akong natauhan sa pagtawag niya. Hindi mapigilan ang mawala sa sarili dahilan ng pagsayaw ng upuan.

Buti nalang at nasalo niya ako at hawak niya ngayon ang bewang ko. Pero sa hindi inaasahan ay nabitawan ko ang hawak kong libro kaya natamaan ang ulo niya at nawalan rin siya ng balanse.

Napapikit ako dahil hindi ko kayang makita ang possibleng mangyari baka mauntog ako baka magkaamnesia ako baka-Ba't ang lambot?

Napamulat ako at nakita ako ang mata ni Stephan sa malapitan. Naramdam ko ang malambot na bagay sa labi ko.

Wait? Malambot? Sa labi ko? Napalaki ang mata ko ng mapagtantong nagkadikit ang labi namin habang nakadagan ako sa kanya. Agad akong tumayo at nagdali daling umalis na roon.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now