Chapter 47: He's Alive

4.9K 302 7
                                    

TGISM: CHAPTER 47

Kinuha kuna ang susi ko at sumakay sa kotse ko hehe na miss kuna si Pinsan.

Ng makarating na ako ay lumabas na ako at hinanap sila ngunit hindi ko sila mahanap.

May naaamoy naman akong mabangong aruma ng pagkain na isa lang ang pwedeng mag luto.

"NIOUSSSSS!" sigaw na tawag ko.

Lahat naman sila napatakip sa tainga nila sa sigaw ko. Binato naman ako ni Nious ng takip ng kaldero kaya natamaan ang beautiful nose ko.

"Tangina mo Darrel."

"Kalalaking tao ang ingay."

"Bullshit ka Kuya!"

Napanguso nalang ako at umupo saka nilantakan ang pagkain. Ng matapos na akong kumain ay humarap ako kay Nious.

"Wala kang amnesia Bro?" tanong ko sa kaniya.

"Maaalala ba kita kung meron?" pilosopong sagot niya.

"Sure ka Bro?" tumayo ako at nilapitan siya "Gising kana ba talaga?" tanong ko.

"Ayh hindi tulog pa ako oh ito oh nakamulat nga ang mata," inis niya akong binatukan.

"Kailan kapa nagising?" tanong ko.

"N'ong minulat ko mata ko." Simpleng sagot niya rinig ko naman ang tawa ni Janine at Cassie.

"Wala kang kwentang kausap!" sigaw ko sa tainga niya. "NIOUS GISING KANA BA TALAGA? SERYOSO WALA KANG AMNESIA?" sigaw ko ulit.

"TITIGIL KABA KUYA? OH ISUSUMBONG KITA KAY ATE?" inis na sigaw ni Nious.

Tumahimik naman ako at umayos ng upo.

"Titigil na 'wag mo lang akong isumbong," sabi ko at kinalabit siya.

"Isusumbong kita," inis na isigaw ni Nious.

"Nious maawa ka namumugbog ang kambal ko e," nakangusong sabi ko.

. . .

CASSIE SERVANDE POV

"Sino ang isusunod mo? Patay na si Cassie? Sino ang susunod Trevior?" tanong ni Trevior sa sarili niya baliw nga siya.

Nagtatago lang ako rito habang nakikinig.

May narinig akong putok ng baril. Kaya sumilip ako. Nakapikit siya habang may binabaril napatingin naman ako kung saan tumama ang bala ng baril.

Sa picture ni Nious? So si Nious ang next target niya?

"Ohh Nious ikaw na susunod," sabi nito sabay tawa. "Hello Nious," may katawag siya at si Nious iyon.

Hinanda ko ang tainga ko sa pakikinig.

"Magkita tayo bibigyan kita ng isang linggo para maghanda at magkita tayo sa isang lugar don't worry eh tetext ko."

Napatago ako ng mapansing lumingon siya sa gawi ko. Saka na ako umalis sa lugar na iyon.

Agad kong pinaharorot ang kotse papunta sa bahay ni Janine bumaba ako at nag door bell.

"TANGINA HINTAY ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA?" sigaw ni Janine.

Paulit ulit ko lang pinindot ang door bell. Galit namang binuksan ni Janine ang gate kaya pumasok na ako sa loob kahit na walang permiso niya.

"Kailangan ko ng tulong mo," seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ano naman iyan?" tanong niya. "Tungkol kay Leon?"

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now