Chapter 18: Marcel's Hearthbreak

8.7K 494 54
                                    

TGISM: CHAPTER 18

STEPHAN LUCENTE POV

Kaharap ko ngayon ang laptop ko, kanina pa ako nagtitipa. Naghahanap ng impormasyon tungkol sa kapatid ni Marcel. Ilang beses na akong napamura nang hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita.

Hindi naman kasi talaga kami kasing talino ni Nious. Isang tingin lang niya, at mga trick na tanong alam na kaagad ni Nious na may tinatago ang isang tao.

Tumigil na rin ako at sumandal sa swivel chair. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kisame. Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto at isa isang pumasok ang mga kaibigan ko. Nandito lahat, maliban kay Nious.

May ginagawa na naman siguro dahil kaninang umaga pa siya wala. Tapos ngayong gumagabi na wala pa rin siya.

"Nag research na ba kayo?" tanong ni Kiro

"Ito na nga ginagawa ko." Turo ko sa laptop.

"Ito lang kasi 'yan." Tumayo si Alejandro at nagtipa sa laptop ko.

Garcia last name ang sinearch niya. May bilog na umiikot sa screen at hinintay namin na mawala ang loading. Napatigil kaming lahat ng bumukas ang pinto at pumasok si Nious. Umalis si Alejandro sa tabi ko at umupo sa sofa.

Sinara ko ang laptop at tumingin kay Nious na ngayon ay gulo gulo ang buhok habang may dugo sa damit niya. Saan na naman kaya siya nanggaling?

"Anong ginawa mo at may dugo 'yang damit mo?" tanong ko sa kaniya.

Umupo lang siya sa tapat ko at itinaas ang paa niya. Wala talagang modo ang lalaking 'to. Ipinatong niya ang paa niya sa mesa ko habang nandito ako.

"Amazing." Natatawang sabi niya at sinuklay ang magulo niyang buhok.

"Anong Amazing?" tanong ni Xhavier. Lahat kami kinakabahan na sa kinikilos ni Nious.

"1 down," sabi niya sabay tawa na parang demonyo. "Patay na rin ang bait ko." Tumayo siya. "At mamaya nalang at susugod na rito si Marcel." Saka siya umalis

"Patay na?"

"Pinatay niya?"

"Sino kaya ang kapatid ni Marcel?"

Imbes na sabayan ko sila ay binuksan ko ang laptop ko para malaman ang tinutukoy nilang kapatid ni Marcel. Dalawa lang ang lumabas na garcia sa list ng Quias University.

Garcia last name found...

Thea Garcia
Marcello Garcia

Napatigil ako ng mabasa ang mga pangalan, paulit ulit ko pa iyong binasa dahil baka namalikmata lang ako. Pero hindi pa rin ito nagbabasa. Kahit ilang beses ko pang ni-refresh.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa laman ng isip ko.

Impossible.

Si Thea ang kapatid ni Marcel?

. . .

MARCEL GARCIA POV

Patuloy pa rin sa panginginig ang kamay ko habang tinitingnan ang laman ng kahon. Ramdam ko na rin ang panghihina ng tuhod ko.

"Tayka ito ang singsing—the hell," mura ni Ashton.

Ang laman ng kahon may isang singsing, isang singsing na binigay ko mismo kay Gia dahil papakasalan ko siya. Kasama ko pa si Ashton habang namimili ako ng singsing.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now