Chapter 25: Gia

7.5K 462 66
                                    

TGISM: CHAPTER 25

MARCEL GARCIA POV

"Pa'no mo nagawa lahat ng 'yon?" tanong ko kay Nious.

Unti unti siyang tumingin sa 'kin. Puno ng kaseryusohan ang mukha niya.

"Alin do'n?"

"'Yong fake death ni Gia."

Malakas siyang natawa dahil sa sinabi ko. "Madali lang, tsk! Tsk! Tsk! Naku! Naku! Naku! Akala ko matalino ka Marcel." Pang-aasar niya sa 'kin. Napailing na lang ako at hindi siya pinansin.

"Baliw ka ba? S'yempre nabulag ako dahil mas'yadong masakit ang nalaman kong wala na ang mag-ina ko. Kung nangyari rin iyon kay Thea, sa palagay mo makakaisip ka ng tama?" pabalik na tanong ko sa kaniya. Natahimik siya sa sinabi ko. Malalim niyang pinag-isipan ang katanungan ko.

"Subukan lang nilang gawin 'yon, ako ang papatay sa kanila."

"So pa'no mo nga ginawa 'yon?" pangungulit ko.

"Ba't ba kita kinakausap?" tanong niya sa 'kin, inis na napabuga ng hangin. "'Pag sinabi ko sa 'yo mababawasan ang pagiging misteryoso ko," nakangusong sabi niya.

Napailing ako dahil sa pagiging immature ni Nious.

"Pero bago mo i-kwento gusto kitang tanungin."

"Tanong ka nang tanong hindi na ako magiging misteryoso niyan." Lumapit ako sa kaniya at malakas siyang binatukan dahilan ng pagnguso niya.

"Sino ang pipiliin mo sa dalawa? Si Thea o si Tenten?" tanong ko na nagpatahimik kay Nious. "Kung mahal mo si Thea ba't mo pa hinahanap si Tenten?" tanong ko pa ulit.

Napabuntong hininga naman ako ng mapansing naguguluhan si Nious. Tinapik ko ang braso niya dahil sa malalim niyang pag-iisip.

"Pag isipan mong mabuti 'yan," payo ko. "Sasabihin ko sa 'yo kung nasa'n si Tenten, kung sakali mang siya ang pinipili mo. Pero kung si Thea, kalimutan muna si Tenten. Alam mo kung bakit isa lang ang puso natin? Hindi katulad ng mata na may kapares, hindi katulad ng iba pang parte na may kapares. Dahil isa lang ang p'wede nating ibigin. Isa lang ang p'wede nating piliin."

"Wag mo sanang saktan si Thea." Mahinang sabi ko sa kaniya. 'Wag mo sanang paasahin ang kapatid ko. "Tulungan kitang mag isip." Tumabi ako sa kaniya sa sofa na inuupuan niya at inakbayan siya.

Gulat naman siyang tumingin sa 'kin ngunit kinindatan ko lang siya. Pilit pa niyang inaalis ang kamay kong nala akbay sa kaniya, ngunit nagmatigas ako kaya wala na rin siyang nagawa kun'di ang hayaan akong nakaakbay sa kaniya.

Susulitin ko na ang araw na ito, baka mag-iba na naman ang mood ng lalaking 'to kinabukasan.

"First love never die pero iniwan kana ng first love mo at nandito na ang present love mo. Mahal ka ng present love mo, at alam kong mahal mo rin siya. Please stop hurting her." Nagsalin siya ng wine at nilagok ito. "Pain can change people Nious."

"Ayaw ko siyang saktan pero wala akong ibang choice."

"Ayaw mo siyang saktan, pero pag si Tenten ang pinili mo mas masasaktan siya."

"Pero nangako ako kay Tenten."

"Promises can be broken, stop that idiot plan Nious." Lumayo ako sa kaniya at malakas siyang sinapak para magising siya sa katutuhanan. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya gumanti.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now