Chapter 43: Next Target

5.8K 315 2
                                    

TGISM: CHAPTER 43


"Bakit pinag uusapan mong mamamatay si Nious? Ano bang gagawin niya?" nalilitong tanong ni Thea.

"Wala may pupuntahan lang ako," sabi niya at hinalikan ulit si Thea. "Ipangako mo sak 'in kung ano mang mangyari sa akin ay 'wag na 'wag kang lalapit kay Trevior," may pagbabantang sabi nito.

Tumango naman si Thea. Umalis na si Nious. Kaya nagbihis na ako at nagsuot ng uniporme hehe na miss ko rin pumasok sa school.

"Papasok na tayo," sabi ni Thea.

Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya ngumiti lang ako saka kumindat ngumiti naman siya at napailing.

"Good morning Section Monster," may gurong pumasok.

Ngunit hindi siya pinansin ng Section Monster.

"Go back to your proper seat," utos niya kaya tumayo kaming lahat at umupo sa upuan namin.

Palihim naman akong natawa ng mapansing pikon na ang guro.

Nag discuss na siya kaya lang walang nakikinig. Kaya umalis nalang siya sa room.

"Ang haharot niyo ni Nious 'di naman kayo mag jowa," bulong ko kay Thea.

Galit naman niya akong tiningnan ngunit ngumiti lang ako.

"Okay lang yan," sabay tapik sa balikat niya. "Kaibigan ko nga pogi pero barbie."

. . .

"Nious," tawag ko sa kaniya.

Lumapit naman siya sa 'kin at tinapik ang balikat ko saka siya tumakbo papunta kay Thea at niyakap ito.

"H-huy Nious," kinakabahang tawag niya rito. "A-anong nangyari?"

Ngunit hindi lang ito nagsalita. Yumakap lang siya ng mahigpit kay Thea.

Napatingin ako kay Andrew nakakunot rin ang nuo nito saka tumayo at nilapitan si Nious.

"May problema ba Nious?" tanong ni Andrew.

Umiling lang ito habang mas siniksik niya ang mukha niya sa leeg ni Thea.

"Nious kinakabahan na ako, ano ba talagang nangyari?" tanong niya rito.

"K-kung may mangyari mang hindi maganda please lang ingatan mo sarili mo," sabi niya. "'W-wag na 'wag kang lalapit kay Trevior."

"TANGINA NIOUS HINDI KITA MAINTINDIHAN! " sigaw ni Thea.

Umiling lang si Nious saka siya kumawala sa yakap at pinahiran ang luha ni Thea.

"Alagaan niyo si Thea," humarap siya sa 'min. "Ipangako niyo yan."

Para siyang tanga. Mukha siyang kinakabahan na ewan. Hindi ko alam pero ang weird niya ngayon. Para bang namamaalam siya?

Saka na siya lumabas. Napaupo naman si Thea sa sahig habang umiiling at patuloy na tumutulo ang luha niya.

Tumakbo ako palabas at sinubukan siyang habulin. Ngunit bigla siyang nawala.

Anong nangyayari? Nagpapaka misteryoso ka na naman ba?

. . .

THEA GARCIA POV

"Nahabol mo? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko kay Leon.

Umiling lang siya kaya napaupo ako sa kama habang hawak ang dibdib ko. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan talaga ako sa sinabi niya.

Ano bang nangyayari? Ba't para siyang namamaalam?.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now