Chapter 34: Bloody Birthday Party

6.6K 392 23
                                    

TGISM: CHAPTER 34

NIOUS QUIAS POV

Halatang iniiwas niya ang sarili sa akin. Sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay siya ang unang umiiwas. Ni hindi nga siya lumapit sa gawi namin, ang Monster ang lumalapit sa kaniya. Hindi siya umaalis sa tabi ni Trevior. Nandito lang ako sa gilid, tinitingnan siya sa malayo.

Tuwing lalapit naman ako, epal si Marcel. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Marcel wala naman akong ginawang masama sa kaniya.

Tinapik ni Achie ang balikat ko dahilan kaya ako napaangat ng tingin. Ngumuso siya at tinuro si Thea na mag isa ngayon ngunit umiling lang ako.

"Puntahan muna," utos nila.

Iling lang ang sinagot ko sa kaniya. Ayaw kong sirain ang party niya, baka mawala ang magandang ngiti na nakaukit sa labi niya sa oras na lumapit ako sa kaniya. Maayos na ako rito sa malayo, as long as masaya siya sa birthday niya.

Napatingin siya sa gawi ko pero agad ding nag-iwas ng tingin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Tumikhim ako. Palihim na tinapik ang dibdib ko dahil sa pagsikip nito.

"Kuya tumayo ka nga r'yan," inis na utos ni Ivy. "Dumidikit na ba pwet mo sa upuang 'yan at hindi ka tumayo?"

"Hayaan niyo nalang ako, just enjoy the party." Nilagok ko ang beer na binigay sa 'kin ni Stephan at pinagmasdan muli si Thea.

Umiling nalang sila saka nila ako iniwan rito. Napatingin naman ako kay Tenten na ngayon ay kasama si Stephan. Hindi man lang ako nakaramdam ng inis, galit at selos ng makitang magkasama silang dalawa.

Pero mas nasaktan ako ngayon sa nakikita ko. Tumatawa ang babaeng mahal ko habang kausap si Trevior. Tumayo na ako roon at umalis na.

Tangina 'di ko na talaga kaya.

. . .

MARCEL GARCIA POV

Kanina ko pa pinagmamasdan dito sa malayo si Nious. Alam kong gustong gusto niyang lumapit kaya lang hindi ko siya hinahayaan. Magtiis siya.

Ngunit nagkamali ako, akala ko mag titiis siya. Bigla nalang siyang umalis at nilisan ang party ni Thea.

"Ay nag walk out," bulong ni Gwen.

Kaya napalingon ako sa kanila. Nandito pala sila sa tabi ko hindi ko man lang napansin. Nakatingin din sila kay Nious na umalis sa party.

"Kuya," bulong ni Ivy. May namumuong luha sa mga mata niya kaya napabuntong hininga ako. Nagiguilty tuloy ako sa ginawa ko.

Aalis din sana si Ivy para sundan ang kuya niya ng pigilan siya ni Achie at niyakap para pakalmahin ang syota niya. Napalingon naman ako kay Rhyza nakatingin lang siya sa pinto na nilabasan ni Nious.

Susundan din sana niya si Nious ng pigilan siya ni Stephan kaya wala na siyang nagawa kun'di ang manatili na lang sa party.

Nagsimula na ang 18 dances niya, ako ang unang sumayaw sa kaniya sumunod naman si Stephan at iba pang monster boys pati na rin si Zeus.

"Sino last dance niya?" tanong ni Roxanne.

Tumitingin naman sa paligid si Thea na parang may hinahanap. Biglang nawala ang sigla sa mukha niya nang hindi niya mahanap ang taong hinahanap niya. Birthday niya ngayon kaya kailangan masaya siya, pero dahil sa gusto kong saktan si Nious ay pati kapatid ko nasaktan ko rin.

"Ano po ba 'yong debut kuya?" tanong ni Thea sa 'kin habang sinusuklay ko ang buhok niya. Maybe she hear it somewhere.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now