Chapter 29: Pretend

7.3K 436 59
                                    

TGISM: CHAPTER 29

TENHINICES POV

Nang makapasok ako sa Cafeteria ay dahil siguro ngayon lang nila ako nakita kaya sila nakatingin sa 'kin.

"Tenten!" Hinanap ko ang tumawag sa 'kin. Ngumiti naman ako at kumaway kay Marcel ng makita ko siyang nakaupo sa 'di kalayuan. Lumapit ako sa kaniya.

"Ang ganda pero lakad lalaki," sabi ng isang lalaking mukhang playboy.

'Di ko nalang siya pinansin at binatukan si Marcel dahilan nang singhapan na narinig ko. Napanguso si Marcel habang hinahaplos ang batok niya.

"Tinawagan mo ako sa lalim na ng gabi?" inis na tanong ko.

"Upo ka na." Utos niya at tinuro ang isang bakanteng upuan.

Ngunit bago 'yon magawa ay naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakatingin sa 'kin. Palakad sila palapit sa 'min. Ngunit nagulat ako ng nilagpasan lang niya ako kaya pinigilan ko siya gamit ang paghawak ko sa braso niya.

Tiningnan niya lang ako ng walang emosyon. Ngunit malambing na ngumiti lang ako sa kaniya

"Thea," tawag ko.

Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Wait! Di niya ako kilala?

"Who you?" tanging tanong niya.

"H-hindi mo ako kilala?" Gulat na tanong ko at tumingin kay Marcel na nag iwas tingin kaya binalik ko ang tingin kay Thea. "Im Tenten," pagpakilala ko.

"Then? I don't care." Galit niyang binawi ang braso niya saka siya umalis.

May masama ba sa sinabi ko? Bakit parang galit siya?

. . .

THEA GARCIA POV

Tangina niya! Ano? Ipamumukha niya sa 'kin na sa kaniya si Nious? Kulang na lang sabihin niya na... Hi! Ako nga pala si Ten-ten ang first love ni Nious.

"Hey calm down," bulong ni Trevior.

Nang matapos akong kumain ay nagtungo agad ako sa library hindi na ako nagpasama kay Trevior dahil gusto ko magpag isa. Ngunit sana nagpasama na lang ako ng makita ko siya.

"Thea." Trip nito sa buhay? "Kumusta na?" tanong niya habang nakangiti.

"Ito buhay pa rin." Palihim ko siyang inirapan at saka na ako pumunta sa kabilang pwesto ngunit sumunod pa rin siya. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin ngunit ngiti lang ang sinukli niya.

"Tangina huy kung gusto mo ipagmukha sa 'kin na nakuha mo si Nious." Napatigil ako at tiningnan ang maganda niyang itsura. "Edi wow!" inirapan ko siya.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Napanguso ako ng makita ang malaking umbok doon.

"Maganda ka na nga may dibdib ka pa," mahinang sabi ko.

Tumingin naman siya sa kung saan ako nakatingin. Nang tumingin siya sa dibdib ko at nagpigil siya ng tawa.

"Alagang Nious ba yan?" nakangusong tanong ko.

Binatukan niya naman ako kaya galit ko siyang tiningnan. Kung makabatok ang babaeng 'to, ano kami close?

"Ulol! Malaki lang talaga 'to. Anong alagang Nious pinagsasabi mo? Penguin."

"P-penguin?" gulat ko siyang tiningnan.  "Ikaw naman Tweety bird!" sigaw ko.

Napatingin naman siya sa t-shirt na suot niya sabay tawa.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now