Chapter 33: Birthday

7K 412 43
                                    

TGISM: CHAPTER 33

THEA GARCIA POV

Nakaupo ako sa kama habang nakasandal sa headboard nito, biglang bumukas ang pinto at sumilip si Kuya. Tumikhim siya at pumasok ng makita niyang nakita ko siyang nakasilip. Nakalagay ang kamay niya sa likod habang nahihiyang nakatingin sa 'kin. "Malapit na birthday mo, anong gusto mo?" tanong ni Kuya.

Tumahimik ako saglit at pinag-isipan ang sinabi niya. Ano bang gusto ko? P'wedeng siya na lang, charot. "Magkabati muna kayo kahit ngayong birthday ko lang," mahinang sabi ko.

"M-magkabati?" takang tanong niya. Kumunut pa ang kilay niya habang seryosong nakatingin sa 'kin.

"Kung mag aaway lang naman kayo wag niyo nalang i-celebrate 'yong birthday ko, magkakagulo lang."

"Pero Thea debut mo iyon. 18 years old ka na. Saka walang pasok sa birthday mo, palaging holiday ang august 6."

"'Yon na nga. Debut ko 'yon kaya please lang tumigil muna kayo sa awayan niyo."

Bumuntong hininga naman siya bago dahan dahan na tumango. Ngumiti siya at lumapit sa 'kin. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa nuo bago siya lumabas sa k'warto niya.

Gusto kong sabihin kay Kuya na nanganak na si ate kaya lang nangako ako kay Nious na wala akong pagsasabihan.

Ilang saglit lang ay umalis na rin ako roon at nagtungo sa dorm ko. Sumalubong sa 'kin ang girls.

"Malapit na birthday mo!" Excited na sabi ni Mica. Mukhang maayos na siya sa nangyaring aksidente no'ng isang araw.

"Anong wish mo? Lumaki dede mo?" Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa gigil kay Roxanne at sinabi sa kanila ang gusto kong wish.

"Birthday wish mo 'yon?" tanong ni Gwen nang marinig ang gusto ko.

Tumango naman ako saka humiga sa kama ko at tumingin sa kisame. Para makapag isip naman ako. Hindi ko na nakikitang nagsasama si Tenten at Nious. Mas madalas magsama si Stephan at Tenten.

"Gusto ko wala nang gulo wala nang away sa pagitan nila." Umupo ako saka ko sila tiningnan. "Kasi naiipit ako e," malungkot kong sabi.

"Yeah naiipit ka nga lalo na at Kuya mo ay taga Section Beast habang si Nious naman ay taga Section Monster may away ang dalawang grupo," sabi ni Roxanne. Sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Kuya. Bigla nila akong nahuli na lumabas sa dorm ng Beast, narinig pa nila ang pagtawag ko kay Marcel na kuya.

Ayaw ko namang sabihin na jowa ko ang isa sa Beast dahil mabilis kumalat ang balita. Nanghingi naman ako ng permiso kay kuya at hinayaan niya akong ikuwento sa mga kaibigan ko ang lahat.

They can keep promise, alam ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Nious ang totoong ako.

"Pero hindi ko naman sila nakikitang nag aaway," kumento ni Mica.

"Yeah ako rin," pagsang-ayon ni Gwen. "Nagbabatuhan lang sila ng pranks pero 'yong mga patayan wala."

"So gusto niyo ng patayan?" mataray na tanong ni Roxanne.

"Hindi," mabilis na sagot ng dalawa napayakap pa sa sarili nila dahil sa kaba.

. . .

NIOUS QUIAS POV

"Hiling ni Thea 'yon?" tanong ko sa kaniya. Nagtaka pa ako kung bakit niya ako pinatawag, ayaw ko sana siyang siputin pero sinabi niya sa akin na may gustong gift si Thea sa birthday niya. Kaya pinapunta ko siya rito sa opisina ng Monster.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now