Chapter 48: She Change

5.5K 309 13
                                    

TGISM: CHAPTER 48


NIOUS QUIAS POV

Nagising nalang ako sa isang kwarto na kulay blue?. Napaupo ako sa kama at tiningnan ang paligid. Napahawak naman ako sa may puso ko.

Dahan dahan akong huminga, ang sikip eh. Tumayo ako habang ang kamay ko ay nakahawak parin sa dibdib ko. Saka ako nagtungo sa banyo.

At tiningnan ang sarili ko. Buo pa naman mukha ko. Hinubad ko ang damit ko. At nakita ko ang tahi sa may gilid ng dibdib ko.

"Kamusta na si Thea?" tanong ko sa sarili habang nakatingin parin sa salamin.

Pinatong ko ang kamay ko sa sink at tumingin sa salamin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Shit 'di ako makahinga.

"N-nious?" tawag nila sa pangalan ko.

Ngunit nawalan na ako ng malay at hindi kuna alam anong sunod na nangyari.

"Kumusta Doc?" nagising ako at yan ang narinig ko.

Pinikit ko lang ang mata ko at nakinig. Pakiramdam ko tatlo sila 'yung isa doctor 'yung dalawa sino?

"He's fine himala at 3 months lang siyang coma," masayang sabi ng doctor.

"Pero ba't siya nahimatay?" boses ni J-Janine?.

"That's the bad news Ms. Quias ang laki ng naging apekto ng pagsuntok sa may dibdib at sa bala, mag ingat lang siya hindi ko naman masasabi na may sakit siya sa puso siguro mawawala rin yan pero paalala ko lang bawal siyang mapagod, bawal lahat ng mga gawain na mapapagod siya kasi pwedeng manikip ang dibdib niya."

Napakuyom ako sa kamay ko. Bwesit ka Trevior!

Kung wala lang akong pangako kay Leon pinatay na kita no'n. BULLSHIT!

. . .

"Kailan ka babalik sa Quias Nious?" tanong ni Kuya.

Umiling lang ako. Hindi ko alam kung kailan, hindi pa ako handa. Kasi kung magpapakita ako possibleng makita ako ni Trevior at di titigil 'yon.

"Kailangan kana ni Thea ang laki ng pinagbago niya dahil iniwan mo siya," sabi niya.

"Mas mabuting hindi muna ako magpakita lalo na at hindi naman siya sinasaktan ni Trevior."

"D'yan ka nagkakamali sasaktan niya rin si Thea pag nakahanap na siya ng tyempo," sabi ni Kuya.

"Mas masasaktan siya kung magpapakita ako sa kanila ng buhay."

"Mas sasaktan siya kung totoong patay kana Please Nious Thea needs you, Two kind of pain, the pain that hurt you and pain that change and that two kinds of pain," ginulo niya ang buhok, "Ang dalawa niyan ang naranasan ni Thea nasaktan siya at nagbago."

Napabuntong hininga nalang ako at tumingala sa langit.

"Grabe tapos na nga ang problema ko kay Zeus kasi mukhang gusto na niya si Mica wala narin akong problema kay Leon kasi mukhang kay Cassie siya bagsak pero napakahirap labanan ni Trevior," sabi ko. "Siya siguro ang buwan at kami ang mga butuin ang dami kong kaagaw," pinahiran ko ang luha kung di ko namalayan na tumulo.

"Iyakin kana pala ngayon," tinapik niya ang braso ko.

"Bakit ba kasi ang ganda at ang bait niya?" tanong ko sa sarili.

. . .

"May lagnat si Thea walang nag aalaga sa kaniya," salubong agad ni Kuya ng makarating siya rito.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now