Chapter 32: Marcel Simon Garcia

7K 412 68
                                    

TGISM: CHAPTER 32

NIOUS QUIAS POV

14 years ago~

Kasama ko ngayon si Tenten nakahiga siya sa damuhan habang ako naman nakaupo at pinapanuod siya. Ganitong edad palang ako pero naramdaman ko na kung pa'no magmahal. At siya ang nagparamdam sa 'kin.

"Tenten," tawag ko sa kaniya.

"Ano 'yon tan tan?" tanong niya sa 'kin habang nakapikit pa rin.

"Pagkalaki natin pakasalan kita ha."

Nagmulat naman siya ng mata at gulat na lumingon sa 'kin kita ko naman ang pamumula ng buong mukha niya kaya napangiti ako. Ang ganda niya talaga. Kahit saan banda.

"Pakasalan?" nakangusong tanong niya.

"Oo pakasalan," nakangiting sagot ko.

"Hindi kayo magpapakasal." Napalingon ako sa gilid ko.

Si Marcel na naman. Tumayo naman ako, tumayo rin si Ten ten kasabay ko. Hinawakan ko ang kamay ni Ten ten at pinatago ko siya sa likod ko.

"Bakit naman hindi?" tanong ko.

"Kasi ayaw kita para sa kaniya," sagot niya.

"Hindi naman ikaw ang papakasalan ko, siya naman."

Tumawa naman siya at nilapitan si Tenten saka hinalikan sa pisnge. Kaya sinuntok ko siya dahil galit ako. Napaupo siya sa damuhan saka ko hinarap si Tenten at pinahiran ang pisnge niya.

Lumakas naman ang tawa ni Marcel. Kaya galit ko siyang tiningnan.

"Ba't mo siya hinalikan?" galit na tanong ko.

"Bawal bang halikan ang kapatid ko?" nakangusong tanong niya.

"Bawal, dapat ako lang."

Hinarap ko si Tenten at hinalikan sa labi gulat naman si Marcel at hinila si Tenten.

"Kontrabida ka talaga sa buhay ko Marcel," inis kong sabi sa kaniya.

Habang siya mukhang natutuwa pa at tawa ng tawa.

Napabangon agad ako habang habol ang hininga dahil sa naging panaginip ko. Ba't napanaginipan ko 'yon?

'Bawal bang halikan ang kapatid ko?' ang katagang pabalik balik sa isipan ko.

"B-bawal? A-ano?" Naguguluhan kong sabi sabay hawak sa ulo ko nang nag-echo na naman sa isipan ko ang tanong na 'yon.

"Tangina bakit? Shit!" Gulat akong napatayo ng marealise ko ang paulit ulit na salitang 'yon na pumapasok sa isip ko.

Agad kong kinuha ang laptop ko at nag type na roon.

"POTANG INA KA TALAGA MARCEL," sigaw ko habang nag tatype.

Napasandal nalang ako sa upuan ko ng wala talaga akong mahanap. Sana dati palang nag research na ako about sa kapatid ni Marcel.

"Hello Bakit?" sagot ni Alejandro nang tawagan ko siya.

"Hanapin mo at alamin kung sino ang kapatid ni Marcel," utos ko.

"Tayka! Hindi mo alam?" gulat niyang tanong.

"Bakit alam mo?" tanong ko sa kaniya.

"Lahat kami alam inutusan mo, ikaw hindi mo alam?" tanong niya.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now