Chapter 50: Can you be my girl?

5.9K 292 2
                                    

TGISM: CHAPTER 50

Pagkagising ko palang ay nagulat ako ng nandito na ang girls. Nakangiti sila sa 'kin kaya kunot nuo ko silang tiningnan. Hinila naman nila ako patayo saka pinapasok sa CR. Kaya naligo na ako.

Ng matapos akong maligo ay pinasuot nila sa 'kin 'yung white dress. Saka nila pinusod ang buhok ko at nilagyan nila ng light make up.

Napatingin naman ako sa mukha ko.

"Mukha akong tao ha," sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Hinawakan nila ako at dinala sa office ni Nious kaya taka akong tumingin sa kanila. Nakatayo naman si Nilus habang nakabihis rin.

"Saan punta?" takang tanong ko.

Inabot naman ni Nious ang kamay niya kaya tinaggap ko ito kahit na naguguluhan. Hinalikan niya ako.

"Woii PDA!"

Napahiwalay ako sa halik at tiningan si Nious na ngayon ay nakangiti.

"Date tayo," sabi niya.

"Kala ko naman kung ano, date lang pala." Sabi ko sa kaniya at pinisil ang pisnge niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito. Nagpaalam muna siya sa kaibigan niya bago niya ako pinasakay sa kotse.

Dinala niya ako sa mall. Kumain muna kami bago gawin ang dati. Dating gawi daw. Nanuod naman kami ng Cine romance na ang pinili niya kaya napangiti ako.

Umupo na kami kumakain lang ako ng popcorn habang nanunuod. Saka ako uminom ng coke. Napatingin ako kay Nious ng ininom niya ang coke na ininom ko at take note sa iisang straw pa.

"Para sweet," sabi niya sabay kindat.

Kaya napaiwas nalang ako ng tingin sabay pigil ngiti.

Ng matapos kaming manuod ay naglaro muna kami saka kumain ulit. Ng dumilim na saka na niya ako inuwi pero akala ko tapos na. Hindi pa pala.

Dinala niya ako sa rooftop. Tinakpan niya pa mata ko gamit ang palad niya.

"Matagal paba?" tanong ko.

"Tada!"

Napatingin ako sa paligid.

"Wow!" manghang sabi ko

Puno ng petals ang sahig habang may table for two sa gitna madilim rin pero ng dahil sa buwan at sa kandila sila ang nagsisilbing ilaw ng rooftop.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa gitna. Pinaghila niya pa ako ng upuan.

"Thank you." Tumango naman siya saka siya umupo din sa tapat ko. "Ano 'to?" tanong ko.

Ngunit hindi niya ako sinagot at pinakain niya ako kaya kumain nalang rin ako kahit na busog pa ako. Ng matapos na kaming kumain ay nagkwentuhan muna kami.

Saka siya tumayo at pumitik kaya may tumogtog na kanta. Inilahad niya ang kamay niya kaya tinanggap ko ito saka niya ako pinatayo at hinila ang bewang ko palapit sa kaniya.

Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa balikat niya siya naman ay nasa bewang ko ang kamay niya. Sumasayaw lang kami.

"Di ko akalain na ikaw pala si Tenten," pagsisimula niya. "Ang pinaka-hate ko na babae kasi ang taray, ang yabang akala mo naman matapang eh takot rin pala ay siya pala ang babaeng inibig ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Grabe 'yung mayabang at mataray ha.

"Minahal mo ba ako kasi ako si Tenten?" tanong ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now