Chapter 16: Section Beast Returm

8.9K 531 58
                                    

TGISM: CHAPTER 16

THEA GARCIA POV

"Anong nangyari?" tanong ko kay Nious na ngayon ay nakahiga sa hospital bed. Puno ng pasa ang mukha.

Bawal lumabas sa Quias University pero dahil pagmamay-ari nila ang University, salita nila ang batas. Nakalabas kami ng walang pag-alinlangan.

"Mag iingat ka." Napapikit ako ng hinaplos niya ang pisnge ko.

"Anong nangyari? Sino may gawa niyan?"

"Hindi mo na dapat malaman."

"Bakit hindi ko dapat malaman?!"

"Kasi mapapahamak ka!" Napatigil ako dahil sa pagsigaw niya. "S-sorry, h-hindi ko sinasadyang sigawan ka." Umupo siya at tiningnan ako "Saktan lang nila ako 'wag lang ikaw."

Totoo ba 'tong pinapakita mo Nious? O baka parte lang din 'to sa mga plano mo?

"Delikado ang kalaban ko," mahinahon niyang sabi. "'Pag nalaman nilang girlfriend kita ikaw nag pupunteryahin nila."

"Bakit? Girlfriend mo ba ako?" Seryoso kong tanong kay Nious dahilan ng pagtahimik niya.

"T-Thea."

"Hindi nila ako sasaktan kasi hindi mo ako girlfriend kaya 'wag kang mag-o-over react Nious." Tumayo ako na ikinataranta niya. "Aalis na ako." Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

"Dito ka lang," mahinang niyang sabi. "'Wag naman ganito, na miss kita."

"Magpagaling ka muna."

Kasi hindi kita kayang nakikitang gan'yan ang lagay mo Nious.

"Magpapagaling ako basta dito kalang sa tabi ko."

"Baliw kaba? May klase ako! Saka ano namang gagawin ko rito sa Ospital? Ayaw ko ang amoy ng hospital Nious at baka may makuha pa akong sakit dito." Biglang lumambot ang emosyon niya at dahan dahan na tumango.

"S-sge mag-ingat ka nalang."

Nang bumitaw ang kamay niya ay agad na akong tumalikod sa kaniya at umalis doon.

Nakapag desisyon na ako. Ang isip ko ang susundin ko at hindi ang puso ko.

Kasi sa huli 'pag ang puso ko ang susundin ko ako lang ang masasaktan.

Sorry Nious pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo.

Ilang araw na lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Ang tahimik ng Section Monster hindi ko alam na tumatahimik pala sila 'pag wala si Nious akala ko kasi mag iingay sila pag wala ang hari, kasi magagawa nila ang pwede nilang gawin.

Pero dahil siguro sa pag alala nila sa kalagayan ng kaibigan nila kaya wala silang ganang mag ingay. Wala rin dito si Alejandro mukhang may pinagkakaabalahan din siya o baka umiiwas lang.

"Guys," pagtawag pansin ni Achie mukhang naboboringan na. "Buhay pa ba kayo?" malumanay na tanong niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kagagohan ng lalaking 'to.

Nagtungo ako sa garden para magpahangin. Napatayo ako ng maayos ng maramdaman ang pagkayap ng isang tao sa likod ko. At isang tao lang ang kayang bumalik sa tibok ng puso ko.

"Tatlong araw kitang hinintay sa hospital," inamoy niya ang buhok ko. "'Di mo man lang ako dinalaw."

"Diba sabi ko sa 'yo ayaw na ayaw ko ang amoy ng hospital?" Mataray na pag-uulit ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now