Chapter 8: Kuya

10.8K 662 48
                                    

Napahawak ako sa labi ko kasi hanggang ngayon ramdam ko parin ang labi niya na nakadikit sa labi ko. Diba first kiss ko 'yon? Bakit pakiramdam ko hindi na?.

Kyahh nababaliw kana Thea!.

"Woi!" Halos mapatalon ako sa gulat sawayin ako ni Gwen.

"Kanina kapa tili ng tili dyan," walang ganang sabi ni Mica.

"Ha? Ako tumitili? Excuse me? Pagtitilian siguro pero titili ako? HA! Nevermind!"

"Your weird," tiningnan ako ni Roxanne habang sinusuri ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay saka siya umiwas ng tingin. Loko loko talaga.

***

Napatingala ako sa may langit nandito ako ngayon sa garden dito sa likod ng school. Hindi kasi talaga ako makatulog nagagambala ako lalo na at hindi ko alam kong anong mangyayari sa 'kin kinabukasan.

"Gabi na." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang Boses ni Stephan.

Tumingin ako sa kaniya suot niya parin ang eye glasses niya saka may hawak siyang? Ano 'to? Parang libro?.

"It's already 12 midnight. Q.U curfew."

Gulat ko siyang nilingon. May curfew rito? Weh? Ba't di ako inform?

"Hindi mo alam? Basi sa reaksyon mo ngayon mo lang alam. Okay fine I'll give you 1st warning." Binigyan niya ako ng yellow paper plane. Anong gagawin ko rito?.

"Hindi 'yan ordinaryong papel. Bomba 'yan."

Halos malaglag ang panga ko at agad binitawan ang papel. Rinig ko naman ang malakas niyang tawa kaya hindi ko mapigilang hindi mapalingon. Ang gwapo niya pag tumatawa.

Napatigil siya sa pagtawa ng mapansing nakatingin ako sa kaniya tumikhim muna siya bago sumeryoso ulit pero alam kong pinipigilan niya ang ngiting kumawala sa labi niya kasi kinagat niya ang ibabang labi niya.

"Ehem! Go back to your dorm Ms. Garcia," seryoso niyang sabi.

Tiningnan ko lang siya at sinuri ang mukha niya ano kaya ang magiging parte niya sa buhay ko? Kontrabida ba? Kakampi? Kaibigan? Or leading man? Charot.

"Okay good night." Nakangiti kong sabi bago ako tuluyang naglakad papunta sa dorm ko.

Kung para sa kanila misteryoso si Nious para sa 'kin mas misteryoso si Stephan. Halata kasi sa mukha niyang may tinatago siya.

"OMG girl! Lumabas ka?" gulat na tanong ni Mica.

Tumango naman ako at umupo sa kama ko.

"Naabutan kaba ng Curfew?" Tanong ni Gwen.

"Oo," simpleng sagot ko.

"Buti buhay ka pa ngayon." Binatukan naman ni Gwen si Roxanne kaya napanguso ito.

"Sinong nakahuli sayo?" Curious na tanong ni Mica.

"Haller! Huwebes ngayon kaya si Stephan," sagot naman ni Gwen.

"Wait si STEPHAN ba?" Gulat na sigaw nilang tatlo.

"Oo siya nga," walang gana kong sagot.

"Wala siyang ginawa sa 'yo?" takang tanong ni Mica sa 'kin.

Tayka nakakalahata na ako kay Mica ha! Hayst over react kalang Thea.

"Wala naman, Sge na matutulog na ako."

'Di na nila ako tinanong alam naman 'ata nila na hindi na ako sasagot kaya agad akong sumalpak sa kama ko at natulog na.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now