Chapter 39: That Psycho

6.1K 390 38
                                    

TGISM: CHAPTER 39

THEA GARCIA POV

Wala rito si Nious mukhang may tinitingnan siya habang ako naman ito kasama ang isang Psycho. Naglalaro siya ng chess habang siya lang mag isa palipat lipat lang siya ng pwesto napailing nalang ako.

"Anong pinagkaiba niyo kay Nious?" tanong ko sa kaniya.

"Gwapo siya mas gwapo ako," sagot niya.

Walang kwentang kausap 'to. Napailing nalang ako habang tinitingnan parin ang galaw niya.

"Marunong syang magluto, mag bake, maglinis ako naman tamad lang," simpleng sagot niya, "hindi ako marunong magluto pero marunong ako umorder, hindi ako marunong mag bake pero may pastry shop ako hindi ako marunong maglinis pero may yaya ako."

Tamad nga siya. Napairap nalang ako sa kawalan saka nilibot ang paningin ko baka kasi nandito na si Nious pero nagpapanggap lang siya na wala.

"Marunong siyang tumingin sa pinanggalingan niya habang ako naman diretso lang," pagpatuloy niya. "Marunong siyang tumayo sa sariling paa niya habang ako naman well may dalawang paa naman ako kaya nakakatayo parin ako," nag smirk pa sya at bumalik ang tingin sa nilalaro niya. "Marunong siyang maglaba habang ako hindi well may taga laba naman ako swerte nga siya kasi siya ang naglalaba ng underwear ko e."

Kinuha kuna ang unan na penguin saka binato sa kaniya.

"Aray!" daing niya.

"WALA KANG KWENTANG KAUSAP!" sigaw ko at inawan siya r'on.

Rinig ko naman ang tawa niya nakakainis ang baliw na 'yon!

"Magluto ka!" Sigaw ko sa kaniya.

Siya naman nakatingin lang siya chess niya well kung bibilangin ika 20 na niya iyan. Paulit ulit siyang naglalaro niyan nakakairita na siya gutom na ako.

"Hindi ako marunong magluto pero marunong akong  umorder," sabi niya at kinuha ang phone saka may pinindot. "Tapos na antayin nalang natin."

Napairap nalang ako sa kawalan. Saka hinintay ang order daw. May nag bell naman kaya agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Delivery," sabi n'ong lalaki.

Kinuha ko naman ang pagkain at nagpatulong naman ako sa kaniyang ilagay sa mesa ang pagkain kasi ang Leon na 'yon ang tamad tamad.

"5,505 po lahat ma'am" sabi ng lalaki.

Tinuro ko naman si Leon kaya tumango siya lumapit naman siya kay Leon.

"5,505 po lahat sir."

"Laro muna tayo ta's talunin mo ako babayaran kita," sabi niya.

Napakamot naman ng ulo ang delivery boy halatang 'di marunong sa chess kaya nilapitan ko si Leon at binatukan.

"Bayaran muna," inis na sabi ko.

"W-wala akong pera e," sabi niya sabay kamot ng batok.

"Umoorder ka wala naman palang pera." Inis ko siyang sinipa ngunit umilag lang siya saka siya humiga sa kama at kumain.

Binigay kuna sa delivery boy ang pera.

"Bawal kumain ng nakahiga Leon," sabi ko sa kaniya.

"Bawal? Eh pano 'yung 'yung ano! Yung kumakain sila ng nakahiga 'yung..."

"'Yung?" inosenteng tanong ko kahit na alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Nevermind inosente ako e." Sabi niya at kumain parin habang nakahiga.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now