Chapter 59: Plano

4.3K 261 5
                                    

TGISM: CHAPTER 59

CELINE POV

Nag imbestiga ako no'n tungkol kay Trevior mabuti at hindi ko kasama ang lalaking iyon. Kasi nakakairita ehh. Nagmamasid ako rito kay Trevior 'raw'.

"Kung sino kamang sunod ng sunod sa 'kin baka 'di ka maabutan ng buhay bukas," biglang sabi niya.

Kaya napaatras ako at akmang aalis na ng paligiran ako ng mga butler niya. Napatingin ako sa lalaking ito. Hawak niya ay si... Trevior?.

"S-sino ka?" tanong ko sa kaniya.

"Ako si Tyler," simpleng niya.

Hindi si Trevior ang kalaban.

Kailangan kong makaalis rito para naman masabi ko sa kanila kung sino talaga ang traydor.

Pinalibot ko ang tingin ko sa paligid. Malapit rito ang pinto oh labasan. Ngunit may lima akong kakalabanin. Bahala ng mamatay basta lumalaban.

Tumakbo ako at sinipa ang isang lalaki kaya napahiga ito agad. May humila naman sa buhok ko kaya tumalon ako at sinipa rin ang leeg niya.

Ng wala ng tao sa may pinto ay tumakbo ako papunta roon pero agad ring napahinto ng...

Napahawak ako sa may tyan ko ng humapdi ito. Napalingon ako sa likod ko. Nakangisi na parang demonyo si Tyler hawak ang isang baril habang si Trevior naman ay may pag alalang tingin.

Hindi ko hinayaan na mahuli niya ako. Binalewala ko ang hapdi at sakit ng tyan ko tumakbo ako ng mabilis. Ngunit agad ring napahiga.

"TAMA NA!" sigaw ni Trevior.

Binaril niya ako sa may hita. Hindi na ako makakalakad nito. Tangina!.

"Kunin niyo siya," turo niya sa 'kin.

May dalawang lalaki naman ang lumapit sa akin at hinila nila ako braso ko para makatayo ako.

Napapikit ako sa sakit ng hinayaan nila akong palakarin. Bwesit mga demonyo sila alam nilang may tama ako sa may hita ay pinalakad nila ako.

"Kilala kita ha." Hinawakan niya ang pisnge ko kaya umiwas ako at sinamaan siya ng tingin. "Ikaw 'yung babaeng gusto ni Xhavier diba?" tanong niya sa 'kin.

"Ako? Gusto ni Xhavier? Hahahahaha! Kalokuhan!" inis na sabi ko sa kaniya.

"Kailangan pa natin siya dalhin siya sa mansiyon gamutin ang mga tama niya saka niyo siya itali sa may bodega," utos niya sa mga lalaking ito.

Napatingin naman ako kay Trevior nakayuko lang siya. Pero agad rin siya hinila ni Tyler at pumasok sila sa loob.

"Trevior," tawag ko sa kaniya.

. . .

Lumingon naman siya sa 'kin at ngumiti ng pilit. Nilinis niya ang mga sugat ko.

"Kailangan nating makatakas rito," sabi ko pa ulit sa kaniya.

"W-wag na! 'Wag natin siyang galitin baka hindi na talaga tayo maabutan pa ng buhay."

"Gago ka pala eh! Duwag ka!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Pinagbantaan niya ako papatayin niya si Tyron pag nagtangka akong tumakas oh di kaya'y magsumbong," sabi niya sa 'kin.

"Pero Trevior—"

"Kung gusto mong tumakas... Tumakas ka 'wag na 'wag mo akong idadamay mahal ko pa ang buhay ko lalo na ang anak ko," huling salitang sinabi niya bago siya umalis.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now