Chapter 45: Pagluluksa

5.1K 309 17
                                    

TGISM: CHAPTER 45


THEA GARCIA POV

"Pinapatawag tayo," napatayo ako ng biglang pumasok si Cyrus.

Tumango naman ako. Pinalabas na muna namin si Cyrus saka pinuntahan si Leon na tumago.

"Balitaan niyo sana ako sa mangyayari," sabi ni Leon kaya tumango kami saka kami lumabas.

Ng makarating na kami sa loob ay nagulat ako ng para ba silang namatayan. Ang lungkot nila. Si Xhavier naman nasa may Sofa naka tulala habang katabi niya 'yung isang babae. Well 'di ko siya kilala.

Si Alejandro naman ay nasa gilid lang din kasama si Keanna tumango ako ng tumingin si Keanna sa 'kin tumango naman siya.

Pumunta na ako sa upuan ni Nious at umupo roon.

"Anong balita?" tanong ko sa kanila.

"Bad news," sagot ni Alejandro.

"Anong bad news?" takang tanong ni Andrew.

"Wala na siya," pumiyok pa si Xhavier ng sabihin ito.

Umiling naman ako saka sinuntok ang mesa kaya gulat silang napatingin sa 'kin. Walang emosyon ko silang tiningnan lahat.

"HINDI NAKAKATUWA ANG BIRO NIYO!" Sigaw ko habang humihikbi.

Hindi niya ako iiwan.

"Sana nga nagbibiro kami," galit na tumayo si Xhavier. "Kaso hindi eh kitang kita ng dalawang mata ko kung pa'no siya pinatay."

"Walang katawan," sabi ko at tinaas pa ang dalawang kamay ko.

"At d'yan ka nagkakamali" gulat akong napatingin kay Ivy.

Ang pula ng mata niya na 'di ko napansin kanina. Kanina pa 'ata siya umiiyak.

"Kakarating lang ng katawan niya," iyak na sabi nito.

"Sino ang pumatay?" tanong ko sa kanila.

Tumingin naman silang lahat napaupo ako sa upuan ng dahil sa panghihina. Hindi totoo 'to. Sabi nga nila masasamang damo matagal mamatay.

"Wala na siya."

"SINONG PUMATAY?" pumiyok pa ako.

"Si Trevior," sagot ni Xhavier.

Kaya gulat akong napatingin sa kaniya sabay iling.

"Plano niyo 'to 'no? Pa'no naman magagawa lahat ni Trevior 'to?" galit na tanong ko.

"WAG KANG TANGA!" sigaw ni Kiro. "Siya ang pumatay kay Cassie siya ang pinsan ni Cassie siya ang traydor,SYA ANG MAY PAKANA NG LAHAT!" sigaw niya sa 'kin.

Umiling lang ako saka lumabas roon. Hindi si Trevior ang pumatay hindi siya.

AT HINDI PA PATAY SI NIOUS.

Nararamdaman ko iyon. Ramdam ko!

. . .

Isang buwan na. Hindi ako lumabas sa kwarto ko. Hindi ko tanggap na wala na siya hindi ko tanggap at ayaw kong tanggapin kahit na nakita ko ang mukha niya sa kabaong.

"Kumain kana," si Leon narin ang lagi kong kasama.

Minsan natutuwa ako minsan rin nalulungkot. Natutuwa ako kasi kahit na wala na si Nious ay nandito naman ang kamukha niya nalulungkot kasi tuwing nakikita ko siya naaalala ko na patay na pala ang totoong Nious.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now