Chapter 44: He Die

5.6K 301 10
                                    

TGISM: CHAPTER 44


ALEJANDRO QUIMZON POV

"Tangina ka nga naman oh natutulog kana naman," napatakip ako sa tainga ko ng sumigaw na naman siya.

Hindi ba siya napapaos kakasigaw niya? Kasi ako ang naiirita e. Lumipat ako ng pwesto ngunit sumisigaw parin siya.

"'Pag 'di ka talaga tumayo d'yan ay papatayin kita habang tulog," sigaw niya.

Kaya naupo ako sa kama at inaantok ko siyang tiningnan.

"Keanna," tawag ko sa pangalan niya.

Inirapan niya lang ako saka siya lumabas sa kwarto ko. Akmang hihiga na namna ako ng sumigaw na naman siya.

"ALEJANDRO QUIMZON!" tawag niya sa pangalan ko.

Kaya tumayo nalang ako at naligo. Ng mapatapos akong maligo ay nagbihis na ako at lumabas sa kwarto.

She's Keanna Saji Mendoza my Childhood Bestfriend. Ang nanay kong kaibigan. Ng makalabas ako ay bumaba ako saka nagtungo sa kusina. Nakahain na lahat.

"Oh ano pagkatapos mong kumain? Matutulog ka ulit?" tanong niya.

"Yan ang hobby ko Keanna," bored na sabi ko.

Umirap lang siya saka kami kumain. Ng matapos kaming kumain ay tumayo na ako ngunit bago 'yon ay nagsalita siya.

"Natutulog ka rito habang ang mga kaibigan mo na s-stress na sa problema," sabi niya.

"Inaantok ako Keanna."

"Kung matutulog ka ulit, 'wag kana sana magising," sigaw niya saka ako iniwan.

Kaya napanguso ako. Gusto niya akong hindi na magising?

. . .

KEANNA MENDOZA POV

Napatampal nalang ako sa nuo ko ng natutulog na naman siya. Napatingin ako sa phone niya ng tumunog ito. Akmang kukunin ko ng pigilan niya ang kamay ko at hinila kaya napahiga rin ako sa kama.

Ngunit parang wala lang siyang pakialam sa posisyon namin ngayon kasi sinagot niya ang tawag ng nakapikit.

"Hmm?" sagot niya. "Edi patayin."

Sinapak ko siya kaya napa aray siya saka ako umupo sa kama.

"Sinong papatayin?" tanong ko.

Ngunit tinalikuran niya lang ako at 'di sinagot ang tanong ko saka siya tumayo at lumakad lakad. Kaya tumayo rin ako at tumalon para maabot ang phone niya.

Nakuha ko naman ito saka idinikit sa tainga ko.

"Nious is in danger," boses lalaki ang kausap niya.

Kaya napatingin ako kay Alejandro. Tumalon siya ulit sa kama at natulog.

"Si Keanna 'to," sagot ko natahimik naman ang kabilang linya. "Si Nious? Ano? Anong nangyari?" sunod sunod na tanong ko.

"He's in danger Ms. Mendoza."

"Im on my way," sagot ko saka pinatay ang tawag.

Tinapon ko sa kaniya ang phone kaya tumama aa ulo niya ito.

"Aray!" sigaw niya at tumingin sa 'kin. "Saan ka pupunta?"

"Kay Nious," sagot ko.

"Kay Nious," ginaya niya pa ang boses ko saka siya umirap tumayo naman siya at hinarap ako. "Dito kalang ako nalang ang pupunta," sabi niya.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now