Chapter 38: Mafia King

6.7K 369 11
                                    

TGISM: CHAPTER 38

MARCEL GARCIA POV

Wala parin akong naging suspek kakaiba ito ha napakatalino niya. Napakagaling niyang maglihim.

Napaupo nalang ako sa may Bench saka tumingala ng may narinig akong ingay. Napalingon ako sa may gilid at may nakita akong isang tao.

"Xhavier," bulong ko.

May kausap siyang mga lalaki. Bigla siyang umalis kaya agad ko itong palihim na sinundan.

Bigla siyang lumabas sa University kaya mas lalo akong nagduda. Hindi naman pwedeng makalabas ang isang Estudyante kung walang permiso galing kay Nious.

Dipende nalang kung inutusan siya ni Nious. Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako rito.

"Marcel."

"X-xhavier."

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Ahh wala naglalakad lang," sagot ko.

Tumango naman siya kahit nakakunot ang nuo niya na parang hindi siya naniwala sa sinabi ko.

"Nahuli naba ang may pakana sa patayan?" biglang tanong niya.

"Wala pa." Simpleng sagot ko tumango naman siya at pumasok ulit sa loob ng University.

Sana hindi ikaw ang traydor Xhavier!

. . .

YUNO JIANGSO POV

Kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa 'kin. Hindi lang sa 'kin pati narin kay Gwen.

Nasa likuran lang ako ni Gwen habang pinapakiramdaman ang mga taong sumusunod sa 'min.

Huminto siya kaya napahinto rin ako. Taka akong tumingin sa kaniya ngunit may sinenyas lang siya sa 'kin. Tumango naman ako at sabay na ang paglakad namin.

"Kanina pa 'to ha," bulong niya.

Ramdam rin pala niya ang cool rin ng babaeng 'to. Naglakad lang kami. Ngunit lumabas na sila sa pinagtataguan nila at hinarap nila kami.

Napahawak ako sa kamay ni Gwen kaya napatingin siya sa 'kin hindi ko nalang siya pinansin at tiningnang mabuti ang mga taong 'to.

Balot ang mukha nila pati narin ang buo nilang katawan para silang ninja kumabaga naka all black at tanging mata lang nila ang nakikita.

Matalino nga 'ata ang leader nila kasi mukhang prinotektahan nila ang grupo.

"Ang dami nila," bulong ni Gwen.

"Isa lang ang naisip ko," bulong ko sa kaniya.

"Ano?"

"ANG TUMAKBO!" Sigaw ko saka siya hinila at tumakbo.

Pasensya na wala lang talaga ako sa mood makipag away. Ng makalayo kami ay hingal na hingal kaming huminto.

"Gago ka," nahihirapang bigkas ni Gwen. "Akala ko pa naman marunong kang makilaglaban bakla karin pala."

Napanguso naman ako sa sinabi niya. Wala lang talaga akong mood makipaglaban.

Hmp! Hindi ako bakla.

. . .

THEA GARCIA POV

Kanina pa siya tumitingin sa 'kin ngumingiti rin, oo kamukha niya si Nious pero ang creepy niya mas gwapo pa si Nious kahit na magkamukha sila. Madali lang naman alamin kung sino si Nious at Leon.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now