Chapter 21: Date

8.9K 476 25
                                    

TGISM: CHAPTER 21

THEA GARCIA POV

"Wala akong gagawin ngayon," pagpaparinig na sabi ni Nious.

Isang linggo na siyang nandito na hindi umaalis. Mukhang wala na siyang gagawin. May parte sa 'kin na natutuwa dahil hindi na siya umaalis. Tapos sobrang OA naman nitong lalaking 'to, kahit k'unting minuto lang na mawala ako sa tabi niya ay mapaparanoid bigla at hinahanap ako.

"Anong paki ko?" pagtataray ko sa kaniya. Pakialam ko sa kung wala siyang ginagawa. Anong gusto niya, mag jack 'en poy kami rito?

"Date tayo." Natigilan ako bigla sa simabi niya. Tiningnan ko pa siya para masigurong nagbibiro lang siya ngunit may magandang ngiti na nakaukit sa labi niya. Inirapan ko siya pero sa totoo lang ay nagkakagulo na ang loob loob ko.


"Saan naman?" pagtataray ko.

"Labas tayo ng School," bulong niya.

"Seryoso?" gulat kong tanong.

Tango ang isinagot niya. Hinila niya ako patayo at lumabas na sa room. Tumuloy muna kami sa dorm niya. May inabot siya sa 'kin ang isang white dress at white doll shoes. Nagtungo ako sa loob ng CR at nagbihis. Pagkalabas ko ay saktong nakabihis na rin siya.

Nakasimpleng jeans at white plain t-shirt lang siya, suot ang isang rubber shoes. Simple lang ang suot niya, pero parang ginto ang presyo ng damit dahil sa nagsuot.

"Tara?" He extended his hand, tinanggap ko naman iyon. Napakurap ako ng maramdaman ang kamay niyang gumalaw at pinagsiklop ang mga ito.

Nakasalubong pa namin ang monster boys sa paglalakad namin. Natigilan sila ng makita kami, napako ang tingin nila sa kamay niyang magkahawak. Tiningnan pa nila kami mula ulo hanggang paa.

"Saan punta niyo?" tanong ni Khalil.

"Match na match ha," pang-aasar ni Alex.

"Date," simpleng sagot ni Nious.

"Oiiii!"

"Marunong ng lumandi si Nious."

"I'm so proud of you p're."

Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang matawa dahil sa pang-aasar ng kaibigan niya sa kaniya. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisnge ko.

Napailing na lang si Nious at hindi pinansin ang mga pang-aasar ng mga kaibigan niya. Hinila niya ako paalis doon. Nagtungo kami sa parking lot. Napakunut ang nuo ko ng makita ang itim na Lamborghini na naka-park.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na makapasok. Inaboy ko ang loob dahil kaamoy niya ito. "Hindi ba mas'yadong agaw pansin itong sasakyan mo?" Tanong ko sa kaniya ng makapasok siya.

Nagsimula na niya itong pinatakbo. Nanlaki ang mata ko ng makitang bumukas ang malaking gate.  Nagtaka lang ako kasi no'ng nakalabas kami sa Quias no'ng araw na binisita namin siya sa hospital ay sa ibang daan kami dumaan.

Habang siya ay sa front gate pa talaga. Napatigil ako ng maramdaman ang kanang kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa manibela. Hinayaan ko nalang siya dahil komportable naman ako sa kaniya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa 'kin.

"Kahit saan." Basta kasama ka.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now