Chapter 9: Marcel

10.3K 657 28
                                    

STEPHAN LUCENTE POV

Sinubukan kong libangin ang sarili ko pero para bang may bumabagabag? Kaya nagtungo ako sa garden para makapagrelax.

Nagulat ako ng may tumalon na tao mula sa 4th Floor ang kinagulat ko lang ay nakatayo parin siya hindi man lang siya napaluhod? Oh ano pa man?

Familiar siya ha!

"Marcel?" Gulat na bigkas ko.

Nilingon niya naman ako ng seryoso. Saka siya lumapit.

Anong ginagawa niya rito?

"Hello Stephan," ngumisi siya ng pagka demonyo.

Siya ang misteryosong nakilala ko rin ang alam ko lang sa kaniya ay siya si Marcelo Garcia pero wala na akong iba pang alam sa kaniya may parents siya buhay pa may own school sila. Only son lang 'ata siya wala 'ata siyang kapatid.

Bilib rin ako sa kaniya kasi kaya niyang magkontrol ng galit niya. Sa pamamagitan ng seryosong tingin. Gan'yan ang kinatatakutan ko lalo na pag seryoso siya at nakatulala. Malalim ang iniisip niya at kakaiba ang isip niya kasi kung saan saan ito pumupunta.

Lahat ng gusto niyang malaman, nalalaman niya. Gulat nga kami n'on ng malaman niya ang full name ni Nious na kahit kami man lang nakaibigan ni Nious hindi alam ito siya pa kaya?.

Nag tanong si Nious kung pa'no niya nalaman ang full name niya ang sagot lang niya ay 'Ten-Ten' para ba siyang palayaw? Na ano? Ewan ko.

Kung misteryoso si Nious mas misteryoso siya.

"Nakatulala ka d'yan? May gusto ka sa 'kin?" nakangising tanong niya.

Halos masuka naman ako sa sinabi niya. Seryoso? Anong akala niya sa 'kin? Bakla?

"Long time no see," walang emosyon kong sabi sa kaniya.

Tumawa lang siya na parang baliw kaya nawala ang seryoso kong mukha.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Kasabay n'yan ay pag iling niya ng tatlong beses. "'Di ka parin nagbabago ang hilig mo parin magpanggap."

Natahimik naman ako sa sinabi niya at napayuko. Tinapik niya ang braso ko saka siya ngumiti.

"Sasabihin ko kay Nious na nandito ka," pigil galit kong sabi.

"Go ahead I miss him too," pang aasar niya.

Nakakapikon talaga siya kausap. At ang nakakainis pa ay parang wala lang sa kaniya.

"Gusto ko 'yong bonggang welcome party," nag smirk pa siya. "Bloody welcome," Bulong niya sa tainga ko.

At hindi ko alam bigla nalang siyang nawala sa paligid. Ang bilis niya talaga.

Ano sasabihin ko ba kay Nious na nakita ko si Marcel? Oh ano? Shit nalilito na ako.

"Woi kanina kapa 'di mapakali dyan." Tinapik ni Xhavier ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tinaas naman niya ang dalawang kamay na sinasabing suko na siya kaya napairap ako ng wala sa oras. Hindi ko namalayan na pabalik balik na pala ako sa paglalakad.

"Hey Dude C'mon." Galit na sigaw ni Astril.

"Nakita ko si Marcel."

"WHAT?" Halos mapatalon kaming lahat sa lakas ng sigaw ni Nious.

Pababa siya ngayon sa hagdan habang ang itim ng tingin niya sa'min kaya napalunok kami. Ganito kami lagi sa kaniya nakakatakot kasi siya.

"Nakita ko siya," pag uulit ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now