Chapter 10: Crush

10.3K 607 39
                                    

THEA POV

Naiirita na talaga ako!!!!

"NIOUS!" Galit kong sigaw kaya napatigil silang lahat.

Kanina pa nila ako tinatapunan ng mga dumi at mga basura. Sa ganda kung toh mukha ba akong basurahan?.

"Yes honey," Pang iinis niya.

Kaya agad ko siyang sinugod at sinapak pero parang wala lang sa kaniya napangiwi lang siya pero hindi man siya napaatras ng k'unti o di kaya'y napa daing.

Napatingin naman ako sa kamay kung sobrang hapdi. Hindi ko alam ang tigas pala ng panga ng lalaking 'to. Napangiwi ako ng Humapdi na naman ang kamay ko.

"Shit!" Mura niya.

Nagpipigil siya ng galit habang nakatingin sa akin. Nakangiti siya pero halatang pikon nga ito.

"Suko kana?" Mayabang na tanong niya.

"Ako susuko? Ha! Ha! Ha! SI THEA 'ATA 'TO!" mapakla akong tumawa.

"Matapang ka parin," nakangising sabi nito.

"Bakit nga ba 'di nalang ikaw ang bumully sa 'kin?" Matapang na tanong ko. "Bakit di mo kaya?" Panghahamon ko.

Napasinghap naman ang ibang nakakarinig.

Gusto ko siya ang mambully. Kasi naiirita na ako sa kanila gusto ko silang labanan pero hindi ko magawa at laging pumipigil ang salitang wala silang atraso sa 'kin. Pero kung makabully sa 'kin parang may atraso ako.

"Baka hindi ka maabutan ng buhay pag ako ang gumawa sayo n'yan Honey."

"So concern ka nga?" pang iinis ko sa kaniya.

Mukhang nainis naman siya sa 'kin.

"Woi type mo ba ako?" Mayabang n'yang tanong.

May kinikilig naman sa gilid pero hindi ko sila pinansin.

"Wag kanang maghabol sa 'kin wala kang pag asa."

"Ikaw hahabulin ko? HAHAHA Fun run nga nilakad ko lang," sabay irap. "Kahit late na ako sa school hindi ako tumatakbo hahabulin pa kaya kita?" Pang iinis ko sa kaniya.

Mukhang success naman kasi mukha na siyang naiirita.

"Well i'll make you fall for me," siguradong sabi niya. "And Im sorry I will never catch you when you fall."

"Woi tandaan mo 'to NIOUS!" sigaw ko sa pangalan niya "Kahit na anong mangyari hindi ako magkakagusto sayo. Over my damn gorgeous sexy body." Sabay talikod sa kaniya.

Nakakainis na talaga. Akala niya talaga magkakagusto ako sa kaniya? No way! Magkagusto na ako sa pulubi 'wag lang sa halimaw.

Walang puso siya tangina niya. Pahuhulugin niya ako tas hindi niya sasaluhin? OMG no way hindi ako magkakagusto. Sige landiin niya pa ako pero pasensya sya hindi ako mahuhulog sa kanya kasi SI STEPHAN ANG GUSTO KO. Wait! Did I really say that I like the guy who always wears eye glasses? O my god! Did I say that? Nope I don't like him!

Wala akong magugustuhan isa sa mga Monster Boys noh. Gwapo naman si Stephan—wait Stephan na naman?.

Argh baliw na talaga ko.

"Hey." Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ngayon sa harapan si Stephan. Bakit ganito?.

'Yong puso ko parang gustong lumabas.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now