Chapter 62: End War

5.6K 269 18
                                    

TGISM: CHAPTER 62

ALEJANDRO QUIMZON POV

Hawak ko ang kamay ni Keanna. Paalis na sana kami kaya lang lumiko kami at nagtago nakakita kasi kami ng mga men in black sa kasamaang palad wala na kaming bala.

Nagtago kami rito ngunit agad rin akong napaupo ng bumukas ang pinto. Hindi pala nakalock. Hinila naman ako ni Keanna papasok sa loob at saka niya sinara ang pinto.

Napatingin ako sa loob. Mukhang nasa loob ng mansiyon kami. Hawak ko ang kamay ni Keanna at sabay kaming naglakad papasok sa loob.

Bumitaw si Keanna sa pagkahawak ko saka siya may hinilang lalaki at siniko ang batok nito. At kinuha niya ang baril na kanina ay hawak ng lalaki.

Lumapit naman ako kay Keanna saka kami naglakad ulit ngunit napatigil ako sa sumigaw.

"KUYA!" sigaw ni Alex.

Kaya napalingon ako sa kaniya. Tumingin siya sa likod ko. Saka siya tumakbo sa gawi ko at tinulak ako. Dahil hawak ko ang kamay ni Keanna ay pati siya ay nadapa rin.

"A-alex." Bigla nalang may nagpaputok.

Kinuha ko naman ang baril na hawak ni Keanna at binaril ang lalaking bumaril kay Alex. Saka ko siya nilapitan.

"A-alex."

Ngumiti naman siya sa 'kin. Tumulo 'yung luha sa mga mata niya.

"L-lalabas tayo rito. K-kumapit ka muna."

Saka ko bubuhatin ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko saka siya ngumiti.

"Masaya ako a-at sa mundong 'to naging k-kuya kita."

"WAG KANG MAGDRAMA DIYAN!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Im happy because we're in the same s-story... But sadly, im just and e-extra character."

"T-tumigil ka yan ang napapala mo. K-kakabasa ng comics."

"I love you Kuya," do'n na tumulo ang luha ko saka ako umiling. "Sana sa susunod na kwento sana kuya parin kita at hindi na ako extra." Ngumiti siya sa huling pagkakataon at saka siya pumikit.

Umiling naman ako at kinarga siya saka kami lumabas sa bwesit na bahay na iyon.

Please hold on!.

Pagkalabas namin ay agad kaming sinalubong ng mga kasamahan namin. Tinulungan nila akong buhatin si Alex. Bumitaw ako at hinayaan silang buhatin ang kapatid ko.

Pinahiran ko muna ang luha ko saka ko sila hinarap.

"DALIAN NIYO... YUNG KOTSE!" sigaw ko.

"Xhavier, Kiro samahan niyo si Alejandro maiiwan kami rito," sabi ni Cyrus.

Tumango naman sila. Pinasok nila sa back seat si Alex saka ako pumasok sa driver seat tinulak ko pa si Kiro ng siya daw ang mag d-drive.

Pinaharorot ko kaagad ang kotse. Bwesit ang layo ng hospital rito.

"W-wala na siyang pulso," sabi ni Xhavier.

"SHUT UP!" inis na sigaw ko.

Saka ko mas lalo pang binilisan ang pagtakbo ng sasakyan ko.

"Alejandro magdahan dahan ka naman," sigaw ni Keanna.

Ngunit hindi ko siya pinansin. At mas binilisan pa ang takbo ng sasakyan. Ngunit agad kong naapakan ang break at lumiko ng may nakita akong truck na paparating sa gawi namin.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now