Chapter 27: Broken

7.6K 443 44
                                    

TGISM: CHAPTER 27

THEA GARCIA POV

Nang matapos kaming kumain ay bumalik ulit kami sa Section Iron, medyo magulo ang mga upuan dahil nagkaharapan kami para magkuwentuhan.

"May bf ka na ba Dyosa?" tanong ni Andrea.

"Wala e, kayo may jowa na ba kayo?" tanong ko pabalik.

"Wala rin mukha raw kasi kaming mga anak ni Dagul," sagot ni Andrea.

"Woi ikaw lang 'wag kang mandamay."

Napailing nalang ako ng malakas silang nagtawanan. Ganito rin kami dati sa Section Monster pero talaga ngang lahat ng tao at samahan ay magbabago. Aaminin ko, na-miss ko ang asaran naming lahat, sa tuwing kumakain kami at ang mga horny at tito joke ni Achei.

Napatigil kami sa pagk'wentuhan ng nag ring ang bell. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila, ayaw ko sana na magpahatid ni Trevior but he insist kaya wala akong choice kun'di ang hayaan siya.

"Ang ganda nila kasama 'no," pagbasag ni Trevior sa katahimik namin.

Tumango naman ako saka ngumiti. Nang malapit na kaming makarating ay hinarap ko siya at tinuro ang nasa loob para sabihin papasok na ako. Pero napatigil ako sa tanong niya.

"Seryoso wala kang boyfriend?" tanong niya.

"Wala e." Umiling naman ako. "Ikaw may girlfriend ka na ba?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"Wala rin e." Sabi niya sabay kamot ng batok.

"Bakit wala?" tanong ko sa kaniya.

"Mahirap na kasing makahanap ngayon ng babaeng seryoso," sagot niya.

"Mahirap? Mahirap bang mahanap ang pangalan ko?" tanong ko sa kaniya.

"H-ha?" Kumunut ang nuo ko dahil sa biglang pamumula ng tainga niya. "A-ahh a-alis na ako." Tinuro niya ang daan na tatahakin niya pabalik. "P-pupuntahan kita mamayang u-uwian," narinig ko ang panginginig ng boses niya. "B-bye." Dali dali siyang umalis, nanlaki ang mata ko ng may nakabangga siya. Humingi siya ng tawad at tumakbo paalis.

Ang pula ng mukha niya. May sakit ba siya?

Pagkapasok ko sa loob ay napatigil ako ng mapansin na nakatingin silang lahat sa 'kin. Napatingin ako sa upuan ni Nious, agad akong napaiwas ng tingin ng makita siyang nakaupo roon habang nakatingin sa 'kin. Nandito na ulit siya.

Napatalon ako sa gulat ng may tumapik sa braso ko. Nang nilingon ko ang likod ko ay nakita ko si Trevior na dala ang libro ko. "Naiwan mo sa room," tukoy niya sa libro na kinuha naming dalawa sa library.

Idinikit ko ang kamay ko sa leeg at nuo niya ng mapansin na hindi na siya namumula. Nataranta siya at agad napaatras dahil sa ginawa ko.

"Wala ng masakit sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Anong masakit?" tanong niya.

"Namumula ka kanina akala ko may sakit ka."

"Ahh 'y-yon ba?" Napakamot siya sa batok niya habang hindi ma focus ang tingin niya sa 'kin.

"Get inside miss Garcia," napalingon ako kay Nious ng magsalita siya.

"Sige mamayang uwian nalang." Tumango ako sa kaniya bago siya nawala sa paningin ko.

Masama ko namang tiningnan si Nious bago ko siya inirapan at saka na ako umupo sa upuan ko.

Ang tahimik ng room naboboring na ako. Na-miss ko tuloy ang Section Iron. Napatingin ako sa cellphone ko. Malapit na ang oras ng uwian.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now