Chapter 4: Nious

11.5K 689 57
                                    

TGISM: CHAPTER 04

Nakita ko sa may 'di kalayuan sina Gwen, Roxanne at Mica pag labas ko ng klassroom mukhang sinadya 'ata nilang hindi lumapit rito baka kasi mapahamak sila.

Ng makalapit ako sa kanila ay nagulat ako ng bigla akong pinaikot ni Mica at Gwen na parang sinusuri ako.

"Walang sugat check," tumigil na sila sa pag ikot sa 'kin.

Pero ang mas ikinagulat ko ng biglang tingnan ni Roxanne ang pang ibaba ko. Napatakip ako roon at tiningnan ko siya ng masama.

"Nasa iyo pa naman ang panty mo," ani Gwen.

"Hindi rin basa ang panty mo."

"Tumigil nga kayo." Nagpadyak padyak pa ako, ako na ang nahihiya sa kanila.

Tumawa naman si Gwen at Mica saka nila ako inakbayan. Nagtungo na kami sa Cafeteria. Pinaupo nila ako.

"Umupo ka mukhang napagod ka e."

"Huy ano bang pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.

"Biro lang ito naman oh, ilelebre kita kasi nga naman nakalabas ka ng buhay congrats," kumindat pa sya sa 'kin bago umorder.

Napatingin naman ako kay Gwen at Roxanne kanina pa kasi nila ako tinitingnan. Tinaasan ko sila ng kilay ngunit hindi rin nagpatalo si Roxanne at tinaasan niya rin ako ng kilay.

"Safe paba ang V-Card Thea?" nakataas kilay niyang tanong.

"Oo girl safe pa," pang gagagaya ko sa boses niya.

Nakarinig naman kami ng tili kaya hindi ko mapigilang mapalingon roon. Yeah may nagbago ba? Sila naman talaga ng tinitilian ng mga babae rito. Aaminin ko masasama nga ugali nila pero gwapo naman sila.

Hindi ko napansin ang leader nila, napatingin ako kay Mica ng umupo na siya kumain na kami pero hindi ko parin makalimutang mapalingon sa Monster Boys.

Napangisi ako ng makitang nakatingin sa 'kin si Nious na ang galit ng tingin habang nandidiri sa kinakain niya. Hindi ko tuloy mapigilang mapahagikhik.

"Woi," napalingon ako kay Roxanne ng pabulong siyang sumigaw sa 'kin.

"Anong ngiti yan?" takang tanong nila.

"Wala 'to," nakangiting kong sabi at patuloy lang sa pagkain.

Nagtaka naman ang tatlo at sabay na nilingon ang grupo ng Monster Boys.

"Ba't galit na galit si Nious?" takang tanong ni Gwen.

"Ginalit mo?" tanong ni Roxanne sa 'kin.

"H-ha?"

Tiningnan ko si Nious nakatingin parin siya sa 'kin habang umiigting ang panga. Oh em geyy ito ang hinahanap ko pero sorry ka Nious hindi kita type.

Nagulat ako ng bigla niyang sinuntok ang mesa at galit na lumapit sa 'kin napatahimik naman ang kaninang maingay na Cafeteria. Nasa harapan ko na siya ngayon tumingala ako at tumayo saka hinarap ang nakakamatay niyang titig.

"S'ya ang New Classmate ng Monster diba?"

"Siya ang New Girl?"

"Oh kawawa naman siya."

"Mukhang hindi siya magtatagal rito."

Mga bulungan nila pero napatahimik silang lahat sa sinabi ni Nious

"So ako ang pipili, honey?" ginaya niya pa ang boses ko.

Alam ba niyang napipikon ako pag ginagaya ang boses ko?

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now