Chapter 3: Section Monster

11.9K 703 66
                                    

TGISM: CHAPTER 03

Suot ko ngayon ang uniform ng Q.U ang ganda kaya lang ang eksi. Tumingin sila sa 'kin sabay ngiti.

"Ba't ang sexy at ang ganda mo?" tanong ni Mica at inakbayan ako.

"Ang tunay na Sexy may dede," sabat ni Roxanne kaya napanguso ako.

Napatawa lang sila. Saka na kami lumabas. Nakita ko pa ang mga estudyante mukhang parang normal na paaralan lang naman ito ha. Napangiti ako at tiningnan ang phone kong lowbat, nakalimutan ko kasing magdala ng charger. Ang tanga mo self.

"Anong section ka Thea?" tanong ni Gwen.

Huminto naman si Gwen at Roxanne sa isang pinto. Mukhang ito na 'ata ang room nila.

"Section Monster," sagot ko.

"WHAT?" sabay na sigaw nilang tatlo kaya napalingon ang iba sa amin.

"Kailan pa tumatanggap ng babae ang Section Monster?" takang tanong ni Mica.

"Bakit wala bang babae sa Section Monster?" tanong ko.

"Meron naman," sumandal si Gwen sa may railings kaya sumunod narin kami sa kanya nakasandal din si Mica at Gwen habang ako nakatayo sa harapan nila."Dati."

"Dati? E 'yong ngayon?" tanong ko ulit.

"Wala na natatakot kasi sila alam mo bang pinapatay nila ang babae sa Section Monster?"

Bigla akong kinalibutan sa sinabi niya kaya napayakap ako sa sarili ng tumaas ang balahibo ko.

"Dipende papatayin ka nila kung ayaw nila sayo, kung challenging ka naman eh bubully ka kung maganda at sexy ka," tumingin siya sa 'kin mula ulo hanggang paa sabay iling.

"A-ano?"

"Sex slave nilang sampu."

"ANO?" gulat na sigaw ko.

Grabe makakaya ko ba silang sampu? Charot huy malandi lang ako sa isip pero sa isip lang 'yon.

"Maganda ka, Sexy wala nga lang dede."

Sarap sapakin ni Roxanne pigilan niyo ako pigilan niyo ako at kakagatin ko ang dede niya-charot.

"'Wag na 'wag kang magpapaakit sa kanila. Oo gwapo silang sampu lalo na si King pero mahirap 'pag sex slave ka nila kasi balita ko 'pag pinagsawaan ka ng isa may titikim sa 'yo ng isa. 'Pag nag sawa silang sampu ay papatayin ka nila pero dipende kung may magligtas sayo," pagpapatuloy ni Roxanne sa kwento.

"Magligtas?"

"Oo kung may aangkin sa 'yo na sa kan'ya ka na at magiging sex slave ka ng nagligtas sa 'yo," tumuwid siya ng tayo.

"Anong gusto mo? Patayin ka?" tanong ni Gwen.

"Eh bully ka?" tanong pa ni Mica.

"O Sex slave?"

Grabe sila ang demonyo nga nila akala ko normal na paaralan lang ito pero salita nila ang batas rito.

"Wala sa tatlo," seryosong sabi ko kaya kita ko ang paglunok nila. "Hindi ako papayag lalaban ako kung kaya ko," matapang na sabi ko.

Nagpaalam na sila sa 'kin pumasok na sila Gwen at Roxanne sa una nilang classroom no'ng hinintuan namin kanina kasi nag kwento sila about sa Monster's Boys. Si Mica naman ay hindi kaklase ang dalawa d'on siya sa kabilang floor. Ito naman ako nasa tapat na ng pinto ng Section Monster ng biglang kumabog ang dibdib ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now