Chapter 61: War Begin

4.5K 268 7
                                    

TGISM: CHAPTER 61

Ng mapansin kong 10 pm na ay may pinindot ako sa may tainga ko—air piece.

"Handa naba kayo?" tanong ko habang ang kamay ko ay nasa may tainga parin.

"Oo papunta na," sagot ni Stephan.

Kaya napasandal nalang ako habang naghihintay sa sasabihin ni Nious. Ilang minuto akong naghintay ay may nagsalita narin.

"Nandito na kami."

Agad akong tumayo at pinatunog ang relo ko. Pumasok ako loob nakita ko silang lahat nakatayo.

. . .

NIOUS QUIAS POV

Halos kami lahat isa isa ang sasakyang dala. Ng marating na namin iyon ay huminto kami sa 'di kalayuan. Isa isa naming tinago ang mga sasakyan namin saka kami lumabas. At sabay na nagtungo roon. Gabi na hindi niya kami mapapansin lalo na at naka itim kaming lahat.

Ang taas ng pader 'di ko akalain na ganito pala ka taas ito. Akala ko kasi 10 feet lang mukhang 15 ata toh or 18?. Ang taas eh.

"Pa'no 'to?" tanong ni Jake.

"Marcel!" tawag ko kay Marcel.

"Lol marunong lang akong tumalon ng ganyan kataas pero hindi ako marunong umakyat," inis na sigaw niya sa 'kin.

Napakamot naman kami sa batok namin. Eh pa'no 'to? Ba't ba kasi ang taas ng pader.

"Anong gagawin natin? Aakyatin?" tanong ni Achie.

"Ay hindi sisirain," pabarang sagot ni Kiro .

"Sisirain pala?" tanong ni Achie sabay kamot ng batok niya.

Napatampal naman kami sa nuo namin.

"Gago!" Sigaw ni Alex at binatukan siya. "Try mo kayang sirain?" inis na tanong niya kay Achie.

. . .

ACHIE LUX POV

Pa'no 'to?.

May kinuha naman silang lubid at nagsimula na silang umakyat. Napatingin ako sa may gilid. Hehe may puno roon.

Kaya nagtungo ako roon at umakyat sa puno saka ako naakyat na at mission success.

"Tangina!"

"Yawa ka Achie."

"May madaling daan pala."

Napabungisngis ako sa itsura nilang lahat. Saka sila sumunod sakin at umakyat rin sa puno. Napatingin naman ako sa ibaba. Napara sign of cross ako. Gosh! Ang taas.

Napatingin ako kay Marcel ng matalon niya ito ng walang kahirap hirap. Sana all!

"Woi Marcel."

"Wag kang mang iwan."

"Tulungan mo kami rito."

Sumunod naman tumalon si Nious sunod si Jake at Zeus lalo na si Andrew and the rest haha nandito kami sa itaas at nagdadasal na sana hindi mabalian.

Ngunit tumalon narin ang iba at ako nalang ang hindi pa nakatalon.

"Achie!" napatingin ako kay Nious ng tawagin niya ako.

Sasaluin niya raw ako tumango siya, kaya tumalon ako. Pero umatras siya kaya napahiga ako sa may damuhan. Well malambot naman siya at mababali na ang buto ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now