Chapter 54: Section Silver

4.4K 268 6
                                    

TGISM: CHAPTER 54

"Anong nalaman mo tungkol sa Section Silver?" tanong nila kay Kiro.

Kaya tumayo ito at tumabi kay Venice. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Hindi traydor si Celine, hindi niya rin ginagamit si Xhavier palihim lang siyang gumagawa ng hakbang."

"May problema ba yang si Kiro?" tanong ni Thea sa gilid ko.

"Mukhang broken," natatawang sagot ko.

"Ohh anong nangyari sayo?" tanong ni Alex sa kaniya

Habang ang iba naman nag pipigil ng tawa. Sinamaan niya naman kami ng tingin bago siya umirap.

"TANGINA ANG CORNY NG LOVE NA YAN!" biglang sigaw niya.

Kaya hindi na namin mapigilang mapatawa. Mukhang na fall nga ang baliw.

"POTA! POTA! POTA!" paulit ulit na mura niya.

"Ohh anong nangyari sa 'yo?" natatawang tanong ni Achie.

"Ehh ang corny ng lagi kung nararamdaman ehh ang OA," sigaw niya, "may pa spark spark pa may pa kabog kabog pa... PA MENTAL NIYO NA AKO!"

Mas lalong lumakas ang tawa namin sa sinabi niya. Sinabi ko naman kasi sa kaniya na 'wag na niyang gawin kasi delikado ang puso niya.

Eh wala tayong magagawa desperado na siya eh. Ayan tuloy. Ang tanong sino naman ang babaeng yan? Baka pati siya kunin rin ni Trevior.

"Sabi ni Rogelyn, Kuya ni Lyka ang leader."

"What the. . ." mura ni Astril.

"Balita ko yang si Lyka tumakas yan kaya siya napunta rito. Ipapakasal siya sa taong 'di naman niya gusto kaya wala siyang choice ang tanging naisip niya lang ay ang tumakas sa responsibidad niya," mahabang salaysay ni Kiro.

"Ba't di ko alam yan?" galit na tanong ni Astril.

"Kasi ayaw niyang sabihin. At sabi pa ni Rogelyn bigla nalang nawala si Celine ng hindi nila alam."

"So si Trevior talaga ang may pakana ng lahat ng 'to."

"May naisip akong paraan," napalingon ulit kami kay Venice.

Umupo ulit si Kiro saka naman tumayo si Venice habang tumingala na tila hindi pa tapos mag isip.

"Kailangan natin ang Section Silver," sabi niya.

"NO!" sigaw ni Astril. "Hindi natin sila kailangan," galit niyang sabi.

"Pa'no mo maliligtas si Lyka."

"WALA NA AKONG PAKIALAM SA KANIYA!" sigaw niya pero halata na nasasaktan ito.

Ngumiti si Venice kay Astril. Ngunit nakita ko ang pamumuo ng luha ni Venice. May problema ba?

"Pretending not to care is the habbit of someone who does care the most," sabi niya saka siya tumingala. "'Yung gusto mong iparamdam sa kaniya na hindi siya mahalaga pero sa loob loob nito ayaw mong masaktan siya ayaw mong mangyaring masama sa kaniya," pinahiran niya ang luhang tumulo ."Ayaw kong nakikita kayong ganito... Lalo na ayaw kong sabihin niyo na hindi ko ramdam ang nararamdaman niyo kasi kung masakit yung sa inyo triple yung sa 'kin... Malakas at matalino lang ako sa labas pero durog durog narin ako sa loob," pumiyok pa siya. "Nakakabaliw ang pag ibig na yan na kahit ikaw pa ang pinakamalakas ikaw ang magiging mahina pag umibig ka tandaan niyo 'to," pinahiran niya ulit ang luha niya. "Love is the reason why there's pain," sabay tingin niya kay Cyrus saka siya tumawa ng pagak.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now