Chapter 14: Nious' Kiss

10.1K 551 79
                                    

TGISM: CHAPTER 14


THEA GARCIA POV

He saved me. 'Di ko akalain na ang kinamumuhian at halos isumpa ko na ay nandito para iligtas ako.

Pinangko niya ako at nagtungo kami sa dorm niya dinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya at palihim siyang inamoy. Napangiti ako dahil sa bango ng amoy niya.

Dahan dahan niya akong nilapag sa malambot na kama. Agad kong pinalibot ang tingin sa loob ng kwartong ito. Malinis, maganda at malawak.

Agad akong umupo sa gilid ng kama niya at akmang tatayo ako ng hinawakan niya ang braso ko at pinaupo ulit. Nanlaki ang mata ko ng lumuhod siya sa harapan ko. Nakapatong ang siko niya sa tuhod niya, habang ang isa pa niyang tuhod ay nakaluhod.

Nilapag niya ang gamot sa kama. Inabot niya ang bulak at may kung anong nilagay. Nililinisan niya ang tuhod kong hindi ko alam na nasugatan pala. Ngunit wala roon ang atensyon ko kun'di nasa seryoso niyang mukha.

Ramdam ko na lang na nilagyan niya ito ng band aid. Dahan dahan siyang tumingin sa mukha ko.  "Fuck! I want to kill those moron." Bulong niya at hinawakan ang baba ko. Kita kong gumalaw ang mga mata niya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng mukha ko. Kumuha ulit siya ng bulak at nilagyan ng gamot saka dahan dahang ginamot ang pasa sa may gilid ng labi ko. "Bugbugin na nila ibang parte ng katawan mo. 'Wag lang ang labi." Galit na sabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa sinabi niya.

Napalunok siya ng bigla niyang iniluhod ang dalawang tuhod. Seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko. Ramdam ko ang kamay niyang nasa may t'yan ko. "Masakit pa ba t'yan mo?"

"H-hindi na," kinakabahang sagot ko. Napasigaw ako sa sakit ng idiniin niya ang kamay niya sa t'yan ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ramdam ko ang paghapdi banda roon. "Gago ka ba?!"

"Hindi na pala ha!" galit niya ring sabi. Napatigil ako at biglang umamo. Tayka? Bakit parang talo ako? Ako 'yong dapat magalit tapos siya ngayon ang galit.

Napatili ako dahil ramdam ko ang paglutang ako. Dahan dahan niya akong inihiga sa kama.

"Magpahinga ka." Binalot niya ang katawan ko ng kumot. Lumaki ang mata ko dahil sa bigla niyang paghalik sa nuo ko. Habang siya naman ay parang wala lang na lumabas sa kwarto.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay bigla akong kinabahan ng mapansin na hindi familiar sa 'kin ang lugar. Saka lang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari. Hinawakan ko ang t'yan ko at hinaplos ito.

Nilibot ko ang tingin sa buong k'warto. Napatigil ako ng may nakitang pagkain sa gilid ng kama. Agad ko itong kinuha at napansin ang sticky notes na nakadikit sa tray.

'Kumain ka na'

Hindi ko mapigilang mapangiti at kagatin ang sariling labi. Nang maubos ko ang pagkain ay tumayo ako at nilibot ang huong k'warto. May isang sofa na nakaharap sa malaking TV. Agad kong nilapitan ang damit na nakita ko sa may sofa.

"Wear it," basa ko sa sticky note na nakadikit sa damit.

Agad na akong nagtungo sa isa pang pinto na sigurado akong banyo. Malakas kong kinuskos ang leeg ko habang naliligo, napakuyom ang kamao ko dahil sa ginawa ng mga gagong 'yon. Nagbanlaw na ako at nakatuwalyang nakatingin sa salamin.

Hindi ko alam pero... bakit nakangiti ang labi ko? Kinagat ko ito para maiwasan ang pagngiti pero hindi talaga mapigilan. Napatawa nalang ako at umiling. Saka na ako lumabas. Napatigil ako ng makita si Nious.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now