Chapter 40: Cassie

6K 376 14
                                    

TGISM: CHAPTER 40


Nagising nalang ako ng may yumakap sa 'kin ng mahigpit kaya napalingon ako kay Nious ang init niya parin.

Tumayo na ako at inayos ang pagkakumot niya. Saka na ako naligo may pasok kasi ngayon.

"Kailangan ng Monster Boys at Beast Member si Nious," salubong ni Andrew sa 'kin.

"Eh may sakit diba?" tanong ni Leon habang naglalaro parin ng chess.

"Anong silbi ni Leon?" tanong ko.

Sabay naman silang napalingon sa 'kin. Saka sabay naman kaming tumingin ni Andrew kay Leon na ngayon ay question mark parin ang utak.

"Good idea," nakangiting sabi niya.

Naligo na ako at nagbihis sa closet room pero napatingin ako kay Leon na ngayon ay naglalaro parin.

"Tatayo ka dyan? Oh lulumpuhin kita?" tanong ko.

Agad naman siyang tumayo at pumasok na sa banyo. Umupo ako sa gilid ng kama at tiningnan kung mainit paba siya.

"Ano bang ginawa mo at ang init mo?" tanong ko sa kaniya.

Gumalaw naman siya at hinigit ang bewang ko kaya napahiga ako kasama siya.

"Dito kalang," bulong niya habang nakapikit parin.

"Kailangan na nila ako, si Leon muna ang magpapanggap bilang ikaw."

Bigla niyang minulat ang mata niya saka ngumuso. Tumayo naman siya ngunit agad ring napaupo ulit sa kama ng mahilo siya.

"Hindi mo kaya," sabi ko sa kaniya.

"Loko loko 'yon si Leon mahahalata kayo!" Inis niyang sabi.

"EDI MAGPAGALING KA AGAD!" sigaw ko kaya napanguso siya lalo. "Ang init mo ano ba kasing ginawa mo?" inis na tanong ko.

"Wala 'to," sabi niya at humiga ulit.

. . .

"Umayos ka Leon," may pagbabantang sabi ko.

Inalis ko ang earrings niya kaya napanguso nalang siya subukan mong ibalik ulit ang earrings lagot ka talaga sa 'kin.

"Hindi pa okay si Nious?" tanong niya.

"Stop calling his name," may pagbabantang sabi ko.

"Why? Im just concerned, Because im involved of this fucking—"

"I said shut up," pabulong na sigaw ko.

Tumahimik naman siya kaya naglalakad na kami papunta sa office ni Nious. Tumayo naman sila ng makita kami.

"Diba may lagnat si Nious?" tanong ni Achie.

"Yeah," sagot ni Ivy.

Napalunok nalang ako. Alam siguro nila na may lagnat si Nious. Hindi sila pinansin ni Leon at umupo na sa upuan ni Nious saka nilalaro ang ballpen. Napangiwi siya ng mapansing penguin ito.

"Penguin lover parin siya?" bulong niya.

Kaya napailing ako.

"Ano yung CB guys?" napalingon kami kay Achie ng nakatingin siya sa phone niya.

"Nag e fb ka na naman ba?" mataray na tanong ni Ivy.

"Hehe oo yan kasi laman ng newsfeed ko e."

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now