Chapter 24: Gia Is Alive

7.5K 490 92
                                    

TGISM: CHAPTER 24

"Seryoso? Kakausapin mo siya?" tanong ni Stephan.

Tumango naman ako at pilit na ngumiti.

"Masasaktan kalang ate," pagpapaalala ni Ivy.

"Sabi mo nga diba? Face the reality and let truth hurt me."

Napabuntong hininga nalang sila.

Nandito na ako sa garden. Dito ko balak makipag usap kay Nious. Kahit sa huling pagkakataon lang gusto ko siyang makausap.

"Bakit gusto mo 'kong makausap?" Napatingin ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Nious.

"Bakit gan'on? Sana hindi mo nalang pinaramdam sa 'kin na mahalaga ako sa 'yo para di ako masaktan ng ganito."

"Ang drama mo," walang emosyon niyang sabi. "Hindi ko pinaramdam sa 'yo assuming kalang."

Pinahiran ko ang luha kong tumulo na naman. Tangina ang sakit palang marinig mula sa kaniya.

"Nagseselos ako," sabi ko sa kaniya.

"Ba't ka naman magseselos? Wala namang tayo?" cold niyang sabi.

"'Yon na nga eh bat ako magseselos? Wala namang tayo? PERO TANGINA NIOUS MAY KARAPATAN AKONG MASAKTAN KASI MAHAL KITA," sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Pero hindi kita mahal," ngumisi siya. "Asan na 'yung 'Hindi ako magkakagusto sa 'yo? Over my damn gorgeous body?' mo? So success ako? Remember what I say? 'I will make you fall for me but im sorry I will never ever catch you when you fall'."

Napatabingi ang mukha ng sinampal ko siya. Galit naman niya akong tiningnan.

"TANGINA KA! MAHAL KITA EH KAHIT ANG SAKIT SAKIT NA. ANG HIRAP MONG MAHALIN TANGINA KA! SANA HINDI NALANG IKAW! SANA HINDI NALANG IKAW! KASI ALAM MO YUNG MASAKIT? YUNG NASAKTAN AKO KAHIT NA WALANG TAYO," sigaw ko sa kaniya.

"Ginusto mong masaktan wala akong kasalanan d'yan," walang emosyon niyang sabi.

"Ano 'yung pinapakita mo sa 'kin?"

"Alin 'don? Naku pampalipas oras lang 'yon," sinabayan niya pa ng tawa.

Napailing nalang ako saka umalis na roon. Imbes na dumiretso ako sa dorm ni Stephan ay dumiretso ako sa dorm ng Section Beast.

Kumatok muna ako. Bumukas naman ang pinto sumalubong sa  'kin ang nakangiting si Ashton pero nawala rin ito ng makita niya akong luhaan.

"A-anong nangyari?"

"Asan si Kuya?"

Binuksan niya naman ng malaki ang pinto napahinto silang lahat sa ginagawa nila ng makita nila ako.

"OMG Baby Thea what happen?" lumapit si Ate Eunice sa 'kin.

"Si Kuya?" tanong ko sa kanila ng 'di ko makita si Kuya.

"May inasikaso lang siya sandali lang 'yon, d'on ka muna sa kwarto niya."

Tumango naman ako at pumasok sa kwarto ni Kuya. Tumalon ako sa kama niya at niyakap ang unan niya.

"Ate Gia kailangan kita," iyak na sabi ko. "Ate hindi ko alam ang gagawin ko please naman Ate bumalik kana," humagolgol ako habang yakap ang unan.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now