Chapter 37: Leon

6.7K 411 15
                                    

TGISM: CHAPTER 37

THEA GARCIA POV

Parang sasabog na ang utak ko kakaisip. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

"Inalagaan ko ang buhok mo ta's sasabunutan mo lang?" Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Kuya.

"Nalilito na kasi ako Kuya e," nakangusong sabi ko.

"Wag kang lalayo kay Nious Thea," paalala niya.

"Nakapa misteryoso rin ni Nious," inis na sabi ko, "mas lalong sasabog ang utak ko sa kaniya."

"Sumama kalang sa kaniya kung gusto mo ng sagot sa mga tanong mo buksan mo lang ang isip mo at makinig sa mga sinasabi niya kasi lahat ng sinasabi ni Nious may mga kahulugan yan na mas ikakalito mo kaya dapat handa ka sa mga sasabihin niya na di mo gets," mahabang salaysay niya.

"Okay Fine nas'an ba siya?" mataray na tanong ko.

"Im here," sabay kaming napalingon kay Nious na nasa may pinto nakasandal lang ito habang hawak ang phone niya.

Mukhang importante ang cellphone na yan sa kaniya ha! Baka diyan niya tinatago ang mga sekreto niya hehe. Magsisimula na kitang imbestigahan Nious.

"Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa 'ata ako naka handusay sa sahig," napaangat ako ng tingin kay Nious.

"Siraulo," bulong ko.

"Atleast may ulo," sabi niya sabay tawa.

"Line ko yan ha," nakangusong sabi ko.

Ito ako nakabuntot kay Nious haha tahimik naman siya na boboringan narin ako. Hayst wala naman akong napapala kay Nious.

"Saan ka pupunta?" pigil niya sakin ng aalis ako.

"Kay Trevior," sagot ko.

Sumama naman ang mukha niya at hinawakan ang kamay ko saka ito pinagsiklop pilit ko namang tinaggal ito pero hinigpitan niya.

"Dito kalang," sabi niya.

"Boring kang kasama e."

Sinamaan niya naman ako ng tingin. Saka siya ngumiti.

"Boring pala ha," tumaas naman ang kilay ko.

Hinila niya naman ako ang bilis niyang maglakad ha. Huminto kami sa isang pinto.

"Asan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Nasa School," sagot niya.

"Alam ko naman pero saang school?"

"Sa Quias," inosente niyang sagot.

Sarap niyang sabunutan. Tumawa naman siya ng makitang napipikon na ako. Saka niya binuksan ang kwarto.

Binuksan niya naman ang ilaw kaya nanlaki ang mata ko sa nakita. Penguin?

"Kailan mo pa nagustuhan si Penguin?" tanong ko.

"Bata palang ako." Nakangiting sagot niya at dinala ako sa loob.

"Kwarto mo 'to?" tanong ko tumango naman siya. "Eh ano 'yung isa pang kwarto? 'Yung lagi mo akong dinadala 'yung ginagamot mo sugat ko?"

"Awh 'yon? Dorm ko 'yon ito naman kwarto ko."

Oo nga naman Thea.

Napatili ako ng bigla niya akong tinulak sa kama nakangiti lang siya sa 'kin.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now