Chapter 2: Quias University

12.1K 761 95
                                    

Umabot ka sa Chapter 2 ibig sabihin pinagpatuloy mo ang pagbabasa. Gusto ko lang po sanang sabihin na pasensya na sa daming typo, error, wrong grammar at iba pa.

Balak ko sana siyang i-edit para hindi masakit sa mata ang mga kajejehan dito. Kaya lang ito ang unang kwento ko sa Wattpad. Gusto kong makita na nag grow ako bilang writer kada story na sinusulat ko. Hindi man perpekto ang mga kwentong gawa ko, salamat pa rin po sa pagbabasa.

'Wag po kayong mag-alala. Hindi kayo madidisappoint kapag itong TGISM naging libro na. Doon ko po aayusin lahat.

Love,

Miss Shang

TGISM: CHAPTER 02

Nasa harapan ako ng Quias University grabe ang laki ng hinaharap nila—charot oh ano kayo inosente ako.

Tama nga ang sabi ni Kuya malaki ang paaralan na ito. Pagkapasok ko palang ay naagaw ko na ang atensyon nila halos lahat sila nakatingin sa akin. Kaya napataas ako ng kilay at naglakad nalang saka 'di sila pinansin.

"New Toy."

"Ang Section Monster lang ang aangkin niyan."

"Grabe ang sexy."

"Mas maganda pa ako d'yan."

"Ang ganda."

"Ang cool niya tingnan."

"MISS GARCIA!" napatingin ako sa sumigaw. Nakatayo siya sa may gilid.

Agad akong lumapit sa kaniya tinuro niya sa 'kin ang Dean's office. Nagulat ako sa tumambad sa 'kin ang isang lalaki. Ang gwapo. Lumingon siya sa 'kin whew! Ang cold ha.

"Sit." Napaupo ako ng wala sa oras sa upuan na nasa tapat niya ng marinig ko ang boses niya.

"Hello Dean," nakatungong bati ko.

Rinig ko pa ang bungisngis nang nasa likod namin. Nilingon ko naman sila, mga lalaki ang dami nila ta's nakalaglag panty, ang gagwapo nila, omg mga hulog ng langit.

Napatigil naman sila sa pag bungisngis ng tumikhim si Dean. Pero kita ko parin ang pagpigil nila ng tawa. Hinarap ko naman si Dean.

"May pang welcome kami sa 'yo." Tumayo siya kaya napatayo rin ako.

Napanganga ako ng mapansing ang tangkad niya kung tingnan ang height naming dalawa nasa may dibdib niya lang ako. Ang layo ng agwat namin.

"Maglinis ka." Turo niya sa labas.

Lumabas naman siya sumunod rin ako sa kaniya nasa likod ko naman ang mga lalaking hulog ng langit. Tinuro niya sa 'kin ang nagtambak na basura kaya napanganga ako. Seriously? Ito ang pang welcome nila?

"Pang welcome namin sa 'yo." Sabay turo sa mga basura na nagkalat.

"Palilinisin mo ako?" takang tanong ko.

"Yeah," bored niyang sagot.

"Aba huy sa bahay nga namin hindi ako naglilinis dito pa kaya na hindi niyo man lang ako pinalamon kahit na katiting na ulam!" sigaw ko.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now