Chapter 15: Hospital

9.5K 512 93
                                    

TGISM: CHAPTER 15

STEPHAN LUCENTE POV

Hindi ko mapigilan ang magduda sa mga kinikilos ni Nious lalo na't lagi siyang nawawala na para bang may tinatago siya at palihim na ginagawa.

"Lagi nalang siyang wala," reklamo ni Achei.

"Kakabalik niya lang diba? Ba't aalis na naman siya?" gulat na tanong ni Xhavier.

"Nag iimbestiga siya 'wag nga kayong OA," inaantok na sabi ni Alejandro.

"Section Beast?" tanong ni Yuno.

"Sino pa ba ang kaaway natin?"

"Nious." Tumayo ako ng makita ko siyang nakangiti. Tumango lang siya ng sumulyap siya sa 'kin. "Anong plano mo?" tanong ko sa kaniya.

"Hmm?" Hinawakan niya muna ang labi niya saka siya ngumiti. "Malapit na." Nakangiting sabi niya at umupo sa upuan na kanina ay inupuan ko.

"What do you mean malapit na?" tanong ni Kiro.

"May plano ako. Kung pa'no pabagsakin si Marcel," nakangisi niyang sagot.

"Anong plano?" tanong ni Xhavier.

"Kayo? May plano na rin ba kayo?" Pabalik na tanong niya sa 'min.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay na umiling. Napabuntong hininga siya at nagsalin ng wine at uminom.

"Kailangan niyong magkaroon ng plano," seryosong sabi niya sa 'min. "Delikado ang kalaban natin hindi ba kayo nag iisip?"

"Pero Nious wala nga kaming k'unting clue para saktan si Marcel," reklamo ni Alex.

"A girl." Bigla siyang ngumisi bago tumayo. "Ang babaeng 'yon ang magpapabagsak sa kaniya. At siya ang gagawin kong bait." Humawak siya ulit sa labi niya at umalis na.

"Sinong babae?" takang tanong namin.

{^°^}

THEA GARCIA POV

Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Biglang bumalik sa ala-ala ko ang ginawa niya. Napahawak ako sa labi ko. Tumigil ako at napabuntong hininga. Aalis na naman siya.

Sinungaban niya ang labi ko. Hawak niya ngayon ang bewang ko habang ako naman ay pinulupot ang kamay ko sa leeg niya at pinalalim pa ang halik namin.

Bumitaw lang siya ng nawalan na kami pareho ng hininga. Nagkadikit ang mga nuo namin habang naghahabol ng hangin.

"Ang tagal n'on ha," natatawang sabi ko sa kaniya.

"May sasabihin lang kasi ako sa 'yo." Seryoso niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin tinaasan ko siya ng kilay. "Aalis ako ulit."

"Ano?" gulat kong tanong.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan kong ipaalam sa 'yo ang gagawin ko pero aalis ulit ako. Babalik na kasi ang Section Bea—"

"Okay." Walang gana kong sabi at tinalikuran siya. Umalis na ako at iniwan siya roon.

Lagi nalang siyang wala pati na rin ang monster boys naguguluhan na sa mga kinikilos niya. Napahinto ako sa paglalakad ng may humablot sa kamay ko at hinila ako.

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now