Chapter 50: Mayakap kang Muli

1.4K 70 8
                                    

Blue's POV:
 

     Napatitig ako sa mata niya hanggang bumaba sa kanyang labi. Napalunok ako. Naramdaman kong muli ang pangungulila sa dibdib ko. Bigla na lang siyang lumuha ng tahimik. By instinct, lumapit ako sa kanya at niyakap siya... ng mahigpit
      "Ang tagal ko 'tong hinintay," sambit niya. Humigpit ang kanyang yakap.

   "I'm so sorry," sagot ko. Nagkalas kami ng yakap saka ko pinunasan ang luha niya. "Ssshhhh.... tahan na Nandito na ako."
    "Totoo ka na ba?" Nagtaas baba ang kanyang tingin. "Hindi ka na ba mawawala? O nananaginip ako?"
   "Shan, I will tell you everything. Can we sit?"
  "Sa room na lang. Gusto mo ba ng kape o juice? Parang second home ko na rin ito. Tara para makapag-palit ka na rin ng damit.
"Wala akong dala."
        "May mga damit ako rito. Spoiled ako kay Gwen."

        Magkahawak kamay kaming pumasok ng kuwarto. Nandoon pa din ang init at ginhawa sa tuwing hawak niya ang aking kamay. Maliit lang ang kuwarto pero maaliwalas. Ang kama ay double bed naman at neat na neat na parang nakakahinayang gusutin. Apat ang unan, isang kumot na puti.
       "Ang lakas naman ng aircon," sabi ko.
       "Hinaan natin maya-maya."
       Binuksan niya ang cabinet at kumuha ng dalawang pantulog. "I stay here at times if  gusto kong pagtaguan ang ate ko kaya may mga gamit ako rito."
       "Pagtaguan?"
       "You know, during those times na nawala ka, I was miserable. She thought nababaliw na ako kaya kung saan-saan niya ako gustong ipadala."
        Umupo ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ko siyang kumilos. Nilapag niya ang damit sa paanan ng kama.

       "Hanapin ko lang 'yung sinelas," sabi niya. "Bakit ganyan ka makatitig?"
       "Masama ka na ba tingnan ngayon?" Sagot ko.
       "Hindi. Hindi naman ako ang nawawala e."
       "I'm sorry."
       "Marami tayong dapat pag-usapan."
       "I know."
       "Mauna na ako sa banyo."
  
        Habang nasa banyo siya ay kumatok si Gwen. Lumabas ako saglit.  "Hi. Hindi ako makatulog but it's just a quick talk. Kayo sana ni Ocean ang gusto kong kausapin kaso ikaw na lang at matutulog na ako."
       Nahiya ako at kinabahan. "Look, I know who you are." Napatingin ako sa kanya na nagtataka.
       "Sorry I pretended. Di ako ang tipo ng tao na mag aalok magsakay lalo na't di ko kilala. Alam ko about you and her. I was there. It's just that I will be having my own life 'yung time na naghiwalay kayo. Rather say, iniwan mo siya?"
       Tinamaan ako. I knew Gwen was Ocean's straight forward boss. "But don't explain to me. You're married and I don't have the right to accuse you or anything. Nabanggit ka ni Oosh na nakita ka niya and everything about your resto. Sakto sa birthday ni Mama, pinilit kong makuha ang serbisyo niyo. Alam kong nando'n ka. Initial step ko lang 'yon to reach you. Mahal ko ang kaibigan ko. Di ko man maunawaan ang pagmamahalan ng kapwa babae, nasa punto ako na tao kang minamahal ng kaibigan kaya nirerespeto ko 'yon."
        Nanikip ang dibdib ko. Sa loob ng dalawang taon ay walang kumompronta sa akin sa bagay na 'to. "Busy lang ako pero may plano talaga ako. Gusto kong magkape at doon kita nakita kanina. Tadhana o pagkakataon pero ayoko ng palagpasin iyon. Nasa 'yo na ang baraha, Blue. Nandito ka na kaya sana kung ano ang dapat ay gawin mo. Hiling ko lang maging maayos ang lahat bago ko siya iwan ulit. Hayaan mo na lang na alam niyang hindi kita kilala."
       "Salamat... salamat sa 'yo."
       "Lahat ng paliwanag ay di ukol para sa akin. Kay Ocean lang. Maaga akong aalis bukas. Supposed to be ay kami talaga ni Oosh ang lalabas pero you both need this ng kayo lang."
       "Salamat ng marami. Asahan mong magiging maayos."
        Pumasok na ako sa loob ng kuwarto. Nakabihis na ng pantulog si Ocean. Ternong dilaw na bulaklakin. "Hindi ka ba lalamigin sa suot mong 'yan?"
       "Wala kasi akong pantulog na extra. Binigay ko sa 'yo 'yung medyo makapal."
        Para namang hinaplos ang puso ko. "So patayin na lang natin ang aircon. Malakas pa ulan sa labas."
       "Huwag na. Pinihit ko na sa low 'yan kanina."
       "Sige magpapalit lang ako, salamat."
        Pumasok ako ng banyo. Maliit lang din pero malinis. Basic lang na shampoo, sabon, extrang toothbrush toothpaste at towel. Humarap ako sa salamin. Kinausap ko ang sarili ko. "Tama ba na nandito kami ni Ocean ng kaming dalawa lang? Saan kami hahantong matapos ang gabing ito? Hindi ko naman maikubli na umaapaw ang kaligayahan kong makakasama ko siyang muli."
       Nagpalit ako ng damit. Ternong green naman na maliliit na bulaklak ang design. Lumabas ako matapos kong magshower sandali. Hapong-hapő ako ngayong araw. Ngunit makita ko lang si Ocean ay gumaan na ang pakiramdam ko. That familiar feeling is still there.

 Blue OceanWhere stories live. Discover now